Barangay Queen's Row Announcements

Barangay Queen's Row Announcements BARANGAY QUEEN’S ROW NEW ACCOUNT

FREE VACCINE SCHEDULE!
29/11/2025

FREE VACCINE SCHEDULE!

09/11/2025

Bantay Bagyo: Update
Evacuation Center Status – November 9, 2025 | 8:05 PM

Batay sa pinakahuling ulat mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), may 3,210 pamilya o katumbas ng 11,963 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa 53 evacuation centers sa iba't ibang barangay ng Bacoor.

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor—mula sa transportasyon, pagkain, inumin, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ang mga tauhan ng CSWDO, CDRRMO, at mga Barangay DRRM Committees ay nakaantabay upang masigurong ligtas, maayos, at may dignidad ang pananatili ng ating mga evacuees.

Sa gitna ng bagyo, ang pagkakaisa at malasakit ang tunay na sandigan ng ating komunidad.

Manatiling mahinahon, makinig sa opisyal na anunsyo, at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon. Para sa karagdagang abiso, tumutok lamang sa opisyal na page ng City Government of Bacoor at StrikeTV.

NAGSAGAWA NG EMERGENCY MEETING ANG PAMUNUANG BARANGAY NG QUEENS ROW WEST, SA PANGUNGUNA NG ATING 24/7 KAPITAN JAIME P. A...
08/11/2025

NAGSAGAWA NG EMERGENCY MEETING ANG PAMUNUANG BARANGAY NG QUEENS ROW WEST, SA PANGUNGUNA NG ATING 24/7 KAPITAN JAIME P. ABUG, KASAMA SI DENNIS D. VERDE AT MATEA PINDANG, KASAMA ANG MGA TANOD AT RESPONSE TEAM (DISASTER) PARA SA PAPARATING NA BAGYO.

ISA-ISA DING TINIYAK ANG MGA KAGAMITAN AT DISASTER EQUIPMENTS UPANG MAPANATILING FUNCTIONAL ANG MGA ITO SA ORAS NG PANGANGAILANGAN.

LAYUNIN NG PULONG NA ITO ANG PAGHAHANDA SA PAPALAPIT NA BAGYONG UWAN AT UPANG MATIYAK ANG KALIGTASAN NG BAWAT RESIDENTE NG BARANGAY QUEENS ROW WEST.

MAG-IINGAT TAYONG LAHAT! 🌧️



NAWAWALANG WALLET ‼️Naiwan po sa tindahan sa Everlasting Street. Maari po itong kunin kay Ms. Helen / Mr. Cesar - Gulaya...
31/10/2025

NAWAWALANG WALLET ‼️

Naiwan po sa tindahan sa Everlasting Street. Maari po itong kunin kay Ms. Helen / Mr. Cesar - Gulayan.

Maraming salamat po.

Tapos na ang Barangay Assembly ng Queens Row West! 🎉Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi. Ang pagkakaisa at...
29/10/2025

Tapos na ang Barangay Assembly ng Queens Row West! 🎉

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi. Ang pagkakaisa at malasakit sa ating barangay ang tunay na susi sa pag-unlad.

Sa bawat pagtitipon, mas tumitibay ang samahan, mas nagiging malinaw ang ating mga layunin, at mas tumatatag ang ating komunidad.

Tuloy lang sa pagkilos, makiisa, at magbigay-inspirasyon.
Sa Barangay Queens Row West — bawat isa ay may ambag, bawat isa ay mahalaga. 🤝




Address

BLK 1 LOT 1 SANTAN Street QUEENS ROW WEST BACOOR CAVITE
Bacoor
4102

Telephone

+639561462881

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Queen's Row Announcements posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Barangay Queen's Row Announcements:

Share