01/09/2025
Kung di lang kelangan, di muna talaga ko lalabas ng bahay. But thank God one task has been done 🙏
Kwento :
Lunes, Sumama ang pakiramdam ko nung pagkatapos maglinis ng bahay. Sumakit ang ulo.
Martes, medyo kumati na lalamunan. Sinabayan pa ng amoy ng pintura ng mga gumagawa sa labas dito sa bahay.
Miyerkules, meron na kasamang lagnat at inubo na ng tuluyan kaya di na ako tumayo.
Nakapasok at nakabalik sa school ang anak ko na inabutan nya ako nakahiga pa. (Di pa sya aware na may sakit ako)
Huwebes, walang pasok ang bunso kaya sya na nag asikaso ng food at ipinag-akyat nya na lang ako sa room.
Biyernes, um-okay na ang pakiramdam pero sa room pa din ako. Bababa lang kapag mag CR.
Nakapagluto pa sya ng Pork Sinigang si bunso (first time) at Super Asim pero nagawan nya naman ng paraan para sumakto ang asim.
Sabado, thank God, nakaligo ng maligamgam na tubig. Pero magdamag di ako pinatulog dahil di dalawin ng antok.
Linggo, nag online worship service ng umaga. Kinagabihan, inubo na ulit at mas kumati ang lalamunan kaya puyat.
Lunes, cancel ang klase. Wala din pumasok na construction workers. 10am na nakahiga pa pero meron need asikasuhin kaya tumayo na din. Kumain then umalis na (unang labas simula nagkasakit)
Isang Linggo na din masama ang pakiramdam, inuubo at ngayon tuluyan nang nawalan ng boses. Sabayan pa ng lamig ng panahon.
Dahil sa sama ng panahon na halos buong araw ay maulan. Season na din ng iba't-ibang sakit. Wag abusuhin ang katawan. Pakinggan kung humihingi na ito ng pahinga.
Salamat Lord, Ikaw ang kaagapay ko kapag hindi mabuti ang pakiramdam. Ipadaloy Mo ang Iyong Kamay na mapagpagaling sa aking buong katawan at lusawin ang anomang sakit mula tuktok ng aking ulo hanggang ilalim ng aking talampakan. Lusawin Mo ang plema sa aking lalamunan na syang nagpapakati dito. Bigyan Mo po ako ng maginhawang paghinga sa oras ng aking pagtulog. Gayundin ang aking panalangin sa sinomang nasa banig ng karamdaman sa mga oras na ito, maranasan nila nawa ang Itong kagalingan, sa makapangyarihan pangalan ni Hesu-Cristo na aming tigapagpagaling. Amen.