11/06/2025
Sino na nakapanood? Masakit sa dibdib at damang dama mo ang hinanakit at pinag dadaanan ng isang ina🥹
Mahirap talaga maging mahirap - karamihan sa atin damang dama ito. Pag mahirap at wala kang pera ang liit ng tingin ng tao sayo at dahil wala kang resources para lumaban hahayaan mo lang sila na maliitin ka lalo na pag anak mo na yung nakasalalay. At minsan sa hirap ng buhay naabuso na yung karapatan mo. Halos wala ding tutulong sayo lalo ar alam nilang wala silang mapapala sayo (sad reality😭)
Gagawin lahat ng isang ina para sa anak - dimo iintindihin kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan basta health ng anak ang pinag uusapan, lahat kakayanin at lahat titiisin.
Mga taong nakapaligid - Hindi lahat ng tao sa paligid mo maiintindihan ang pinag dadaanan mo lalo pag di nila naranasan ang pinagdadaanan mo. Madalas ka pang ma-judge kung anong klaseng magulang ka as if kasama mo sila 24hrs at alam lahat ng mga pagtitiis at sakripisyo mo para sa anak mo.
Pero sa kabila ng lahat meron at merong isang taong maninindigan sayo, naniniwala sayo at naiintindihan lahat ng pinagdadaanan mo..
Sa sobrang pagmamahal ng ina sa anak kahit wala na sya sinasama padin nya sa araw araw yung routine nilang mag ina (been there done that😭) hanggat maari ayaw mong isipin na wala na sya dahil gusto mo kasama mo sya lagi kahit hirap na hirap kana.. At kahit na sobrang hirap ng buhay nilalaban mo padin sya dahil gusto mo makasama pa sya ng matagal.