04/11/2025
HVI NAARESTO NG PNP DEG MATAPOS ISAGAWA ANG BUY-BUST OPERATION SA CAGAYAN DE ORO
CAGAYAN DE ORO- Himas rehas na ngayon ang isang high value Individual matapos ang isagawang buy-bust operation ng PNP DRUG ENFORCEMENT GROUP sa Brgy.Lapasan Cagayan De Oro martes ng madaling araw November 4,2025
Ito ay pinangunahan ng Special Operations Unit 10 sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN EDWIN A QUILATES ang Director ng PNP Drug Enforcement Group, kasama ang Regional Explosive Canine Unit 10, Regional Intelligence Unit 10, Regional Intelligence Division PRO 10, Regional Mobile Force Battalion 10, Maritime Group 10, Regional Drug Enforcement Unit 10, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Misamis Oriental, at Police Station 3 of Cagayan De Oro City
Kinilala ang suspek na si alyas “Boss”, 37 years old, at isa High Value Individual. Nakuha sa kanya ang
78 gramo ng ilegal na droga n nagkakahalaga na Php 530,000
Sa ngayon ay inihahanda na ang pagsasampa ng kaso sa suspek na may kinalaman sa paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs
“Your hard work and vigilance in this operation are commendable. Continue to uphold the mission with pride,” PBGEN QUILATES