04/12/2024
"Maiksi lang ang buhay, kaya mag-enjoy sa lahat ng bagay…"
Ang danger sa ganyang statement, it may lead us to do anything na inaakala nating magpapasaya sa atin pero in the end, temporary lang pala at maraming oras na tayong nasayang.
May nagtagumpay sa gusto niyang marating, pero parang kulang pa rin.
May nakakapasyal sa maraming lugar, pero parang laging napapagal.
May nakakabili ng anumang naisin, pero mayroon pa ring alalahanin.
May nakakatangap ng maraming blessing, pero sa paghingi ay di matigil.
Now let's rephrase the sentence above… "Maiksi lang ang buhay, kaya unahin si Jesus, nasa Kanya lamang ang tunay na kagalakan…"
Yan ang eternal reality na di mapapantayan ninuman or ng anumang bagay sa mundong kinalalagyan.