
27/05/2025
๐๐ข๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ฌ ๐๐ฅ๐๐๐, ๐ฃ๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐จ๐๐ก๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ข๐๐๐ฅ๐ฆ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ
Sa kabila ng kanyang pagkapanalo sa katatapos na 2025 Midterm Elections, nagpahayag si Congressman Edgar โEgayโ Erice ng matinding pagkabahala sa mga kontrobersyang bumabalot sa Commission on Elections (Comelec) at inihayag ang kanyang intensyon na magsampa ng kaso at maghain ng resolusyon upang paimbestigahan ang ahensya.
Ayon kay Erice, ang kanyang hakbang ay hindi nakabase sa personal na interes kundi bilang pagtugon sa panawagan ng taumbayan para sa malinis, patas, at transparent na halalan. Kabilang sa mga isyung nais niyang imbestigahan ay ang umanoโy dayaan sa bidding process para sa P18-bilyong kontrata na napunta sa Korean-based firm na Miru Systems, na pumalit sa dating technology provider na Smartmatic.
โHindi porket nanalo tayo ay mananahimik na lang tayo. Lalo pa ngaโt kitang-kita ang mga iregularidad at kaduda-dudang mga transaksyon sa likod ng halalang ito,โ pahayag ni Erice.
Idinagdag pa ni Erice na may mga ulat na nagsasabing isang opisyal ng Comelec ang umanoโy tumanggap ng suhol mula sa mga entity na konektado sa Miru, gamit ang mga offshore accounts. Bukod pa rito, kinuwestiyon niya ang kredibilidad ng teknolohiyang ginamit sa halalan, kasunod ng mga ulat ng Mahigit 5 milyong duplicate votes, Over 17 milyong invalidated votes, at Delayed transmission at result postings,
At ang data transmission sa mga non-Comelec servers, na labis na ikinabahala ng mga eksperto sa cybersecurity.
Tinukoy din ni Erice ang mga ulat ng under-voting, overvoting, at technical glitches sa vote-counting machines, na aniyaโy nagpapahina sa tiwala ng taumbayan sa proseso ng eleksyon.
โAng eleksyon ay pundasyon ng demokrasya. Kapag nawalan tayo ng tiwala sa halalan, nawawalan tayo ng tiwala sa mismong sistema. Dapat managot ang dapat managot,โ giit ng kongresista.
Sa mga susunod na araw ay inaasahang maghahain si Erice ng opisyal na resolusyon sa Kamara upang imbestigahan ang mga nasabing isyu, kasabay ng panawagan sa mga kapwa mambabatas na huwag balewalain ang lumalaking panawagan ng publiko para sa hustisya at reporma sa halalan.
โAng laban na ito ay hindi laban ni Egay Erice lang. Laban ito ng bawat Pilipino na naniniwala sa tunay na demokrasya,โ pagtatapos niya.