
21/07/2025
Ano ang mga free tools na puwede mong gamitin sa paggawa ng digital products kahit nag uumpisa ka pa lang?
Maraming akala nila kailangan ng mahal na software para makagawa ng digital products. Pero ang totoo, marami kang magagawa gamit lang free tools lalo na kung nagsisimula ka pa lang.
Eto ang mga tried-and-tested tools na ginagamit ng mga digital creators kahit beginners!:
✅ Canva – Para sa templates, eBook covers, social media kits, printables
✅ Google Docs & Slides – Pang-draft ng eBooks, workbooks, presentations
✅ Notion – Pwedeng gumawa ng planners, trackers, at systems na binebenta as templates
✅ Google Sheets – Perfect sa budgeting tools, habit trackers, at planners
✅ Remove.bg – Pang-alis ng background sa photos
✅ Photopea – Libre at online na alternative sa Photoshop
✅ TinyWow / PDFEscape – Pang-edit ng PDF files
✅ ChatGPT – Pang-brainstorm ng ideas, outlines, content, and product descriptions
💡 Example:
Let’s say gusto mong gumawa ng eBook titled ""Instagram Content Ideas for Busy Entrepreneurs"".
Gamitin mo si ChatGPT para magpa-generate ng outline + sample captions
Then, open Canva, pili ka ng free eBook template
I-layout mo yung content, ayusin yung colors/fonts para on-brand
Download as PDF ready to sell!
🎯 Tip:
Hindi kailangan ng pagiging “techy” para magsimula. Ang mahalaga: klaro ang value na binibigay ng product mo at relatable siya sa target audience.