09/07/2025
Noong Lunes ng hapon, sinalakay ang barkong "Eternity C" ng mga sea drone at rocket-propelled grenades. Ang mga armas ay pinaputok mula sa mga speedboat ng mga militante mula sa Yemen, kilala bilang grupong Houthi.
Pero hindi doon nagtapos ang trahedya. Kinagabihan ng Martes, muling inatake ang barko. Sa tindi ng panganib, napilitan ang mga tripulante na tumalon sa dagat para iligtas ang kanilang sarili.
Anim na seafarer ang nailigtas matapos silang magpalutang-lutang sa dagat ng mahigit 24 oras. Una ay iniulat na pito ang nailigtas, ngunit kinumpirma ng EU naval mission na Aspides na anim lamang ang opisyal na naiahon mula sa tubig.
Sa kasamaang palad, hindi bababa sa apat ang nasawi sa insidente... habang labing-apat pa ang patuloy na pinaghahanap.
Isang masaklap na paalala ito ng panganib na kinahaharap ng mga marinong patuloy na naglilingkod sa gitna ng tensyon sa Red Sea.
ThorjackMaster YTv