12/03/2025
"BUTI KANGA NAGAALAGA LANG NG ANAK MO E, HINDI KA NAG TATRABAHO"
mga ina nyo, hindi ni la "lang" Ang pag aalaga ng bata sa buong buhay ng isang ina. Mula ng buuin nyo parehas at malasap ang parehas na sarap once na nabuo na ang anak na responsibilidad nyong dalawa eh hindi mo pwedeng iasa lang sa asawa mong babae ang pag aalaga. Mula nung nag buntis sya. Mula nung nawalan sya ng gana kumain, mula nung isinakripisyo nya ang maganda at maayos nyang katawan para lang mabuhay ang anak nyong nasa sinapupunan nya. Oo mga tatay kayo. Nag tatrabaho kayo at pagod kayo. Iintindihin kayo ng mga asawa nyo at aasikasuhin kayo kasi ayon ang dapat. Pero sana wag nyong binabalewala ang nararamdaman ng asawa nyo. Hindi madali para saming mga babae ang maging ina. Maglilinis ng bahay, mag lalaba, magluluto, mag aalaga ng anak at mag papaligo. Alam nyo ba na ang pag aalaga ng isang bata ay katumbas ng dalawang trabaho? Alam nyo din bang sobrang hirap makipag laban sa postpartum? Yung tipong pag napepressure ka e nawawala ka sa pag iisip ng tama? Yung tipong pag stress na stress kana e dmo na alam ang gagawin mo? Sasabayan pa ng iyak ng anak mo na ayaw tumahan kahit anong gawin?
Para sa lahat ng tatay jan. Please hindi porket nag bibigay ka ng pera at hindi mo nagugutom ang pamilya mo e matino at responsableng tatay kana.
Tandaan mo lagi na ang pagiging isang mabuting tatay ay nakadepende kung pano mo pakitunguhan ang asawa at anak mo na laging nag dadasal na ligtas ka kung san ka man mag punta.