21/07/2024
Buchi Recipe 😋😋
INGREDIENTS:
2 cups glutinous rice flour (malagkit powder)
1/2 cup mashed sweet potatoes (kamote)
2/3 cup sugar (adjust as needed)
2/3 cup HOT water
cheese (filling) or any desired filling
sesame seeds
oil for frying
PROCEDURE:
1. Maglaga or steam ng kamote. Pagkalaga, i-mash ito hanggang maging pino.
2. Sa isang mixing bowl, pagsamahin ang glutinous rice flour at mashed kamote. Mix mabuti.
2. Sa ibang bowl, tunawin ang sugar gamit ang hot water. Kapag natunaw na, ihalo ito sa mixture ng glutinous rice flour at kamote. Pakonti-konti lang ang lagay habang minamasa hanggang sa makuna mo na ang tamang texture ng dough.
3. Kapag okay na ang dough, kumuha ng mga isang kutsarang dough, bilugin at saka pisain para ma-flat. Saka lagyan ng cheese sa as filling. Pwede kayong gumamit ng kahit na anong filling or palaman na gusto mo (sweet munggo, ganern). Saka ito bilugin ulit hanggang sa maging ball na siya. Ganito lang gawin sa lahat ng dough.
4. then, magtunaw ng mga 2 tbsp. na glutinous rice sa 2 tbsp. water. Eto ang gagamitin natin para dumikit ng husto ang sesame seeds sa buchi. Ilubog dito sa mixture na ito ang buchi, saka pagulungin sa sesame seed. Pagulungin mo sa palad mo para maging-intact ang mga seeds.
5. i-deep-fry ang mga buchi hanggang sa maging golden brown. Mahinang apoy lang ang gagamitin.
RECIPE NOTES:
- Nilalagyan ko ng kamote ang mixture ng buchi dough para maging makunat ito pero malambot. Pwede namang walang kamote, pero mas gusto ko ang texture nito pag may kamote. Chewy siya.
- Hot water ang ginagamit natin sa pagtunaw ng asukal at panlagay sa dough para maiwasan natin yung pumuputok or umaalsang buchi. Naluluto kasi natin ng bahagya ang malagkit powder gamit ang mainit na tubig. Ito rin ang makakatulong para di mag-shrink or lumiit ang buchi pag malamig na.