04/10/2024
‘WALA AKONG TICKET PERO FEELING KO NAKA VIP AKO’ 🥹🤩
Tila napa-“sana all” na lamang ang ilan sa photo na ini-upload ng netizen na si France kung saan makikitang kasama nito ang British actor na si Louis Partridge.
“Wala akong ticket pero feeling ko naka vip ako!!! Dinaig ko pa kayong mga scalpers 😭😭😭 Olivia hope to see u soon,” saad nito sa kanyang post sa social media platform na X.
Kwento ni France, nakita niya umano si Louis kahapon habang siya’y naghihintay ng masasakyan.
“I met Louis while I was walking to the jeepney stop after failing to book an Angkas ride. As for Olivia, I didn’t see her with him; he was walking alone, and not many people seemed to recognize him,” wika nito sa isang panayam ng PSND.
“My first reaction was just thinking, ‘ampogi naman nito’ I didn’t recognize him right away until I looked closer and realized it was Louis. When I asked for a photo, he was cool about it, just casual,” dagdag pa niya.
Matatandaan na dumating sa Pilipinas kagabi ang singer-songwriter na si Olivia Rodrigo kasama si Louis.
Kasalukuyang nasa Pilipinas si Olivia para sa kanyang “GUTS” world tour na gaganapin sa Philippine Arena bukas, October 5.
(X/franceitis)