31/05/2025
Naniniwala talaga ako na nagkakatotoo ang mga namamanifest natin noong mga bata pa tayo.
Here is my short story:
Lumaki akong nakikinig sa mga programa sa radyo. Bago pa man umuso ang telebisyon, radyo na ang nagiging libangan ng mga tao sa amin, mapabalita man ‘yan o mapadrama.
Ang malaking katanungan noon sa akin ay paano nagkakasya ang tao sa loob ng maliit na radyo hahaha. Laman ng imahinasyon ko noon kung anong itsura ng radio station, ilan kaya ang tao doon, at paano nalilipad ang kanilang salita. Actually, noong unang beses kong makapasok sa istasyon, medyo disappointed ang childhood self ko kasi maliit lang pala siyang room😅
Noong communication student naman me, laging nababanggit sa broadcasting subjects namin ang MBC at DZRH (oldest radio station in the country). Naging parte na siya ng ating kasaysayan kaya’t feeling sumakses talaga ako na nakaapak dito. Basta, it is a big thing for me na umupo BTS at mawitness live ang mga kaganapan.
To my younger self, nakapasok ka na loob ng radyo, este station at DZRH pa ha. HAHAHAHA. Happy?