
21/09/2025
110 CORDILLERA YOUTH AND STUDENT ORGS SIGN YOUTH MANIFESTO AGAINST CORRUPTION!
MANININGIL ANG MGA KABATAAN, MANININGIL ANG BAYAN!
Tama na! Sobra na!
Nakikiisa ang mamamayan ng Baguio-Benguet at ng buong Kordilyera sa dumadagundong na panawagan ng mamamayang Pilino laban malawakan at garapalang korupsyon sa pondo ng bayan.
Hindi kami mananahimik. Nakahanda nang maningil ang taumbayan!
Hindi na ito bago ang “DPWH exposè”, lalong hindi nakakagulat. Malalim na nakaugat na sistema ng korapsyon sa ating gobyerno at mga kasapakat nito. Ngunit hindi ibig-sabihin ay mananahimik na lamang ang mamamayan. Habang milyong-milyong Pilipino ang lubog sa matinding kahirapan at inhustisya, nagpapasasa ang iilan sa pera ng bayan ang iilan. Habang kami’y patuloy na nalulunod, sila nama’y masayang nagtatampisaw sa buwis ng mamamayan.
Ngayong Sept 21, sabay ng ika-53 anibersaryo ng Batas Militar ng dating diktador, magbabangon ang bayan at tayo mismo ang bahang di mapipigilan ng mga korap at pahirap! Lahat ng sangkot, dapat managot!
Ang aming mga panawagan:
1. Alisin sa pwesto, panagutin at ikulong ang LAHAT ng sangkot sa maanomalyang flood control projects at iba pang pangungurakot mula kay Duterte hanggang kay Marcos. Imbestigahan at panagutin ang mga sangkot sa maanomalyang mga proyekto sa Benguet at buong Kordilyera!
2. Ibalik ang ninakaw na pera ng bayan! Bawiin ang mga luxury cars, mamahaling relo, signature bag at designer clothes ng mga korap na kontraktor, opisyal at pulitiko. Ang yamang binawi, ilaan sa kalusugan, edukasyon, pabahay, kompensasyon sa mga nabah!
3. Buksan ang Statements of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) ng LAHAT ng government officials at papirmahin ng waiver para masilip ang kanilang mga bank account at ari-arian. Hindi sila dapat covered ng Bank Secrecy Law.
4. Ilabas ang lista at i-ban ang mga kontraktor at supplier na sangkot sa katiwalian at may kaugnayan sa mga mambabatas at opisyal ng gobyerno!
5. Buwagin ang "small group" sa Kongreso at ibukas sa publiko ang buong records ng mga budget hearing at bicameral conference committee!
6. Tutulan ang 1.3B budget cut sa mga State Universities and Colleges (SUC) sa Cordillera at sa buong bansa! Ilaan ang pondo ng bayan para sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang serbisyong panlipunan!
7. I-abolish ang lahat ng pork barrel funds at sikretong confidential and intelligence funds! Wakasan ang paghahari ng mga political dynasty at korap na sistema sa gobyerno!
Bahain ng protesta ang korap na sistema!
8:30 AM | Baguio Convention Center