05/11/2025
May nagsabi… “Kaya ako, di ko isasacrifice ang presence ko sa anak ko para lang sa trabaho.”
Well, good for them…
But honestly, it’s easier said than done.
Lahat tayo may kanya-kanyang kwento.
May kanya-kanyang choice.
At sa bawat choice na ‘yan, may kasamang consequence.
Sa panahon ngayon na ang hirap-hirap mabuhay,
na kahit simple lang ang gusto mo,
mahal pa rin lahat — mula sa bigas, gatas, rent, hanggang sa kuryente o tubig.
At minsan, ang bigat isipin…
na pati dignidad at respeto, nawawala kapag wala kang pera. Kaya sino bang ayaw umangat sa buhay, diba?
Kung dumating sa’yo ang isang oportunidad —
isang career o chance na kayang mag-angat sa estado ng pamilya mo, tatanggihan mo ba talaga?
Saludo ako sa mga full-time moms.
Yan ang pangarap ng karamihan sa ating mga working mamas …
Yung manatili sa tabi ng anak, naasikaso sila buong araw- habang kumpleto ang panggastos.
Kasi kung kompleto naman pagtustos- walang gustong magsakripisyo ng presence,
lalo na para sa mga anak nila.
Pero wala eh, ito ang realidad…
Na minsan, kailangan mong mamili:
Yung presence mo?
O yung better future for them?
Dahil sa totoo lang,
hindi rin masarap ‘yung nandiyan ka nga- pero kapos ang kaya maibigay sa needs…
O ‘yung may sakit ang anak mo,
pero wala kang pambili ng gamot.
Tapos my mga lugar pa kailangan mong makipagsisikan sa public hospital
At tiisin pano tratuhin ang pamilya mo ng mga nurses…
Ang hirap, di ba?
Napakalupit ng mundo ngayooonn…
At mas malupit yan kapag kapos ka buhay..
Pero isa lang sure ako-
Parents may choose to take that career path not for themselves, but for their family.
Walang perfect formula on how to be a parent.
But pls, not because they did it differently from how you did, means they’re wrong.
No one deserves blame for being a parent who simply did the best they knew how.
MOMderful.life of Jho
Ctto 📸