21/05/2025
Para sa unang hindi sumuko kahit hirap na hirap na,
para sa unang napawisan,
sa unang napagod,
sa unang na uhaw at nagutom,
para sa unang nanatili sa mga panahon na ako ay naguguluhan kung lalaban pa ba o susuko na.
Nay, Tay
hayaan niyo na ako naman ang gugutomin ng todo,
ang uuhawin ng subra,
ang hihingalin,
ang magpapatak ng pawis,
ang babagsak sa subrang pagod,
ang kukulangin sa tulog,
ang kukulangin sa pahinga,
iitim sa subrang init,
para sa pangarap na uniporme at pangarap na sa inyo ay makabawi,
pipigilan ang mga labi na bumitaw ng mga salitang "Ayaw ko na".
Lahat ng ito ay Para sa Pamilya,
susuko man ako sa ibang bagay,
pero sa Pamilya ko, papatak man ang dugo ko,
hinding hindi ko bibitawan ang salitang "Suko na ako". 👮🏻
Balang Araw, iiyak ulit sila,
pero ang dahilan ay iba na,
yun ay dahil sa subrang saya dahil nakita nila ang anak nila,
na suot na ang unipormeng pangarap niya.
"Hindi ko alam kung kailan -
basta ang alam ko lang, kapag ako ay handa na,
Ibibigay Niya ☝🏻
Isaiah 60:22 🌻
Photo Courtesy: DI Taguro
God's will, God's way and God's Time