25/08/2025
⚠️ PLEASE READ AND SHARE: MGA PINAY 🇵🇭ENTERTAINERS SA KOREA🇰🇷👇
Maraming Pinay ang nirerekrut papuntang Korea gamit ang E-6 Entertainment Visa na may kasamang kontrata na nangangako ng mataas na sahod at magaang trabaho bilang artista (pag-awit o pagsayaw).
Pero ang realidad ay madalas napakalayo sa pinangako:
❌ Pangako: 6 na araw kada linggo, 7:30 PM – 12 midnight, sahod ₩1,000,000
❌ Totoo: 12–14 oras araw-araw, 2 araw lang na pahinga kada buwan, sahod ₩750,000 lang
❌ Nang nagreklamo siya, pinilit ng promoter na kanselahin ang kontrata at agad siyang sinamahan papunta sa airport para ipa-deport.
❌ Totoong trabaho: Hindi pag-awit o pagsayaw bilang artista.
👉 Sa realidad, maraming ipinapadala sa men’s clubs, drinking bars, at private rooms bilang “private entertainers,” kung saan pinipilit silang gumawa ng iba’t ibang serbisyo na wala sa kontrata.
📌 ARAL: ALAMIN ANG INYONG KARAPATAN
✔ Minimum wage (2025): ₩10,030 kada oras
✔ Night work allowance (야간수당):
Batas: Trabaho mula 10:00 PM – 6:00 AM = dagdag 50% na sahod
➡ Halimbawa: ₩10,030/oras → Night wage = ₩15,045/oras
💰 Sample Computation:
Kung nagtatrabaho ng 12 oras/araw (7 PM – 7 AM):
→ Dapat sahod sa isang araw = ₩140,420
→ 26 araw/buwan = ₩3,650,920
🥲Pero sa halip na ₩3.6M, ₩750,000 lang ang ibinayad.
Ito ay malinaw na pagnanak@w ng sahod (임금체불) at labor exploitation.
🤦Sa lahat ng Pinay na nangangarap magtrabaho bilang entertainer sa Korea🇰🇷
Mag-ingat. Alamin muna ang katotohanan bago pirmahan ang kontrata.
゚