Boses Ti Amianan

  • Home
  • Boses Ti Amianan

Boses Ti Amianan A locally online source of news and information covering Northern Luzon; bringing you the latest, factual, timely and relevant news and information.

Matagumpay na nagsagawa ang Tuguegarao City information Office ng payout o cash gift distribution para sa Octogenarian a...
15/07/2025

Matagumpay na nagsagawa ang Tuguegarao City information Office ng payout o cash gift distribution para sa Octogenarian at Nonagenarian Program ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) para sa mga residente ng Tuguegarao City at ng bayan ng Enrile sa Robinsons Place Tuguegarao City, kahapon ika-14 ng Hulyo 2025. Namahagi ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Hon. Maila Rosario S....

Matagumpay na nagsagawa ang Tuguegarao City information Office ng payout o cash gift distribution para sa Octogenarian at Nonagenarian Program ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) para …

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, Ilocos Sur ang isang makabuluhang aktibidad bilang pagkilala at pagbibigay...
15/07/2025

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, Ilocos Sur ang isang makabuluhang aktibidad bilang pagkilala at pagbibigay halaga sa mga Senior Citizens, lalo na sa mga nasa edad 80 pataas. Kilala ang bayan ng Narvacan bilang isa sa mga may pinakamaraming Senior Citizens sa lalawigan, kung saan ilan ay umaabot pa sa 100 taong gulang at lampas pa. Sa kasalukuyan, mayroong walong centenarians sa nabanggit na bayan....

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, Ilocos Sur ang isang makabuluhang aktibidad bilang pagkilala at pagbibigay halaga sa mga Senior Citizens, lalo na sa mga nasa edad 80 pataas. Kilala an…

Patuloy na pinaiigting ni Governor Ramon Guico III ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Brgy. Esmeralda...
15/07/2025

Patuloy na pinaiigting ni Governor Ramon Guico III ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Brgy. Esmeralda at Brgy. San Andres sa Balungao, Pangasinan nito lamang ika-15 Hulyo, 2025. Daan-daang residente ang nabigyan ng libreng medikal na atensyon kabilang na ang pagsusuri, konsultasyon,at libreng gamot. Kasama sa dental services ang oral examinations at extractions. Mayroon ding libreng laboratory services tulad ng ECG, X-ray, sugar and cholesterol test, at urinalysis....

Patuloy na pinaiigting ni Governor Ramon Guico III ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Brgy. Esmeralda at Brgy. San Andres sa Balungao, Pangasinan nito lamang ika-15 Hulyo, 2025. …

Naging makabuluhan ang paggunita ng ika-3 anibersaryo ng Former Rebel Farmers Agriculture Cooperative na ginanap sa Brgy...
14/07/2025

Naging makabuluhan ang paggunita ng ika-3 anibersaryo ng Former Rebel Farmers Agriculture Cooperative na ginanap sa Brgy. San Juan, City of Ilagan, Isabela nito lamang Hulyo 12, 2025. Aabot sa 95 cooperative members ang samahan na binubuo ng Former Rebels (FRs) na piniling iwan ang armadong pakikibaka at muling yakapin ang payapang pamumuhay. Inorganisa ng LGU Ilagan ang payak ngunit makabuluhang selebrasyon kung saan nagsilbing Guest Speaker si Vice Mayor Jayve Diaz na sumentro sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan, pagkakaisa at pagmamahal sa lungsod ng Ilagan ang mensahe nito....

Naging makabuluhan ang paggunita ng ika-3 anibersaryo ng Former Rebel Farmers Agriculture Cooperative na ginanap sa Brgy. San Juan, City of Ilagan, Isabela nito lamang Hulyo 12, 2025. Aabot sa…

Muling umarangkada ang Libreng Mobile Gamutan para sa mga residente ng Barangay San Juan, San Ildefonso, Bulacan nito la...
14/07/2025

Muling umarangkada ang Libreng Mobile Gamutan para sa mga residente ng Barangay San Juan, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-11 ng Hulyo 2025. Matagumpay itong naisakatuparan sa pangunguna ni Mayor Gazo Galvez, katuwang si Dr. Reginell Nunez, Municipal Health Officer ng nasabing bayan. Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyong medikal tulad ng libreng medical check-up, chest x-ray, laboratory examinations, pamimigay ng reading glasses, dental check-up, sanitary inspection sa barangay, health promotion activity, bedridden check-up, feeding program, at pamimigay ng bitamina para sa mga bata at buntis....

Muling umarangkada ang Libreng Mobile Gamutan para sa mga residente ng Barangay San Juan, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-11 ng Hulyo 2025. Matagumpay itong naisakatuparan sa pangu…

Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong para sa ...
14/07/2025

Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong para sa mga katutubong Aeta na naninirahan sa mga upland barangay ng Floridablanca, Pampanga nito lamang ika-11 ng Hulyo 2025. Pinangunahan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pamamahagi ng ayuda na layuning tugunan ang pangangailangan ng mga katutubo sa komunidad....

Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong para sa mga katutubong Aeta na naninirahan sa mga upland barangay ng Floridablanca, P…

Bilang bahagi ng pagpapaigting sa implementasyon ng programa at pagtitiyak sa kalidad ng serbisyong naihahatid sa mga be...
13/07/2025

Bilang bahagi ng pagpapaigting sa implementasyon ng programa at pagtitiyak sa kalidad ng serbisyong naihahatid sa mga benepisyaryo, nagsagawa ang ‘Walang Gutom Program’ ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) ng market survey ngayong araw, ika-11 ng Hulyo, 2025 sa Ilagan City Public Market at Santiago City Public Market sa lalawigan ng Isabela. Layunin ng survey na alamin ang kasalukuyang presyo, kalidad, at suplay ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan upang matiyak na ang mga pagkaing ipinapamahagi sa ilalim ng programa ay abot-kaya, masustansya, at pasok sa itinakdang pamantayan sa nutrisyon....

Bilang bahagi ng pagpapaigting sa implementasyon ng programa at pagtitiyak sa kalidad ng serbisyong naihahatid sa mga benepisyaryo, nagsagawa ang ‘Walang Gutom Program’ ng Department of Social Welf…

Muling umarangkada ang Serbisyo Caravan na hatid ng Lokal na Pamahalaan sa Sitio Birao Barangay Hacienda - Intal Baggao,...
13/07/2025

Muling umarangkada ang Serbisyo Caravan na hatid ng Lokal na Pamahalaan sa Sitio Birao Barangay Hacienda - Intal Baggao, Cagayan sa ikatlong pagkakataon nito lamang ika-11 ng Hulyo ngayon taon. Nakaalalay pa rin ang Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines sa seguridad ng lugar gayundin ang pagpapakita ng talento at pakikiisa sa mga program tulad ng libreng gupit, at libreng tuli....

Muling umarangkada ang Serbisyo Caravan na hatid ng Lokal na Pamahalaan sa Sitio Birao Barangay Hacienda – Intal Baggao, Cagayan sa ikatlong pagkakataon nito lamang ika-11 ng Hulyo ngayon tao…

Matagumpay ang isinagawang Mangrove Potting Activity sa Lungsod ng Alaminos sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Lungso...
13/07/2025

Matagumpay ang isinagawang Mangrove Potting Activity sa Lungsod ng Alaminos sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste, katuwang ang City Youth and Sports Development Office (CYSDO), na may temang Mangrove Potting Activity: Youth Involvement for a Sustainable Tomorrow sa Mangrove Eco Park kahapon, Hulyo 12, 2025. Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kamalayan at aktibong partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan lalo na sa mga baybaying dagat....

Matagumpay ang isinagawang Mangrove Potting Activity sa Lungsod ng Alaminos sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste, katuwang ang City Yout…

Hinikayat ni National Food Authority (NFA) Administrator Dr. Larry R. Lacson ang mga lokal na pamahalaan sa Cagayan na m...
12/07/2025

Hinikayat ni National Food Authority (NFA) Administrator Dr. Larry R. Lacson ang mga lokal na pamahalaan sa Cagayan na makipagtulungan para sa implementasyon ng P20 rice program sa lalawigan, kasabay ng kanyang pagbisita sa Kapitolyo ng Cagayan nito lamang ika-11 ng Hulyo taong kasalukuyan. Ayon kay Administrator Lacson, unti-unting ilulunsad ang programa sa buong lalawigan kasabay ng pagtatayo ng modernong milling facilities sa Allacapan at Camalaniugan, at mga processing center sa iba’t ibang bayan....

Hinikayat ni National Food Authority (NFA) Administrator Dr. Larry R. Lacson ang mga lokal na pamahalaan sa Cagayan na makipagtulungan para sa implementasyon ng P20 rice program sa lalawigan, kasab…

Idinaos nito lamang Biyernes, Hulyo 11, 2025 ang Groundbreaking Ceremony para sa isang 145,000-bag capacity Onion Cold S...
12/07/2025

Idinaos nito lamang Biyernes, Hulyo 11, 2025 ang Groundbreaking Ceremony para sa isang 145,000-bag capacity Onion Cold Storage Facility na ipapatayo sa Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang, Pangasian. Ang proyektong ito ay pinondohan ng Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project at World Bank bilang isang grant sa inisyatibo ni Mayor Niña Jose-Quiambao na tulungan ang mga local onion farmers. Ang proyekto ay nagkakahalagang PhP245,045,878.95 na may layuning tulungan ang mga onion farmers ng Bayambang sa pag-iimbak ng kanilang mga ani upang mapanatili ang kalidad at mas mapataas ang kita at hindi na kakailanganing bumiyahe pa ng malayo....

Idinaos nito lamang Biyernes, Hulyo 11, 2025 ang Groundbreaking Ceremony para sa isang 145,000-bag capacity Onion Cold Storage Facility na ipapatayo sa Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang, Pangasian.…

Sa kabila ng maulang umaga, masiglang ipinagdiwang ng Victoria Elementary School ang Araw ng Pagbasa noong Hulyo 10, 202...
11/07/2025

Sa kabila ng maulang umaga, masiglang ipinagdiwang ng Victoria Elementary School ang Araw ng Pagbasa noong Hulyo 10, 2025 sa Victoria, Alaminos City, Pangasinan. Tampok sa programa ang reading session, kantahan, sayawan, puppet show, at story-telling na kinagiliwan ng mga mag-aaral. Ang selebrasyon ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste, katuwang ang Alaminos City Library sa pamumuno ni CGDH-I Virgie E....

Sa kabila ng maulang umaga, masiglang ipinagdiwang ng Victoria Elementary School ang Araw ng Pagbasa noong Hulyo 10, 2025 sa Victoria, Alaminos City, Pangasinan. Tampok sa programa ang reading sess…

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boses Ti Amianan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share