28/10/2025
Sabi nila ang swerte ko daw kasi kung saan-saan ako gumagala , kung saan-saan daw ako nakakapasyal . Masasabi ko lang cguro nga maswerte ako kc ung swerte na un sinamahan ko ng sipag , tyaga , pagtitiis sa buhay , walang katapusang pag dadasal , paniniwala sa diyos at diskarte sa buhay.
Bago ko naranasan ung meron ako ngaun , lumaki ako na kaylangan munang pag hirapan lahat ng bagay bago makuha , walang easy money at lalong walang shorcut . Kaya lahat ng meron ako ngaun at lahat ng nararanasan kung ginhawa ngaun galing sa pagod , puyat , madalas walang tulog , nag tatrabaho ng 24/7 , gabi-gabing pag iyak at maraming sakripisyo para maranasan ko ung nararanasan ko ngaun .
Kaya sa mga nag sasabi na ang swerte ko , cguro oo dahil ung swerte na un pinaghirapan ko at pinagpaguran ko ng maraming taon.
Bata palang ako nag tatrabaho na ako , nagbebenta sa kalsada , lumilibot sa mga barangay para mag benta ng isda , lumpia at gulay , naging service crew , waitstaff , receptionist , baker , online english tutor ( kahit di ako magaling mag english ) , on call sa mga catering , ukay-ukay seller , online seller , content creator at ngaun business owner.
Hindi madaling maging ako , sobrang hirap maging ako, pero kinakaya dahil gusto kung maranasan ung buhay na malaya ako , dahil buong buhay ko nakatali ako sa ibang tao , hawak nila ung oras ko , wala akong karapatan mamasyal.
At ngaun na malaya na ako karapatan ko naman cguro na enjoyin ung buhay na pinaghirapan ko at gabi-gabi kung iniiyakan noon.
Kaya sa mga nagsasabi na, maswerte ako , cguro nga oo maswerte ako dahil ung swerte ko na un sinamahan ko ng sipag , tyaga , pagtitiis , paniniwala sa diyos , dasal at diskarte sa buhay.