17/12/2025
π ππππππππ πππππ ππππππππ πππ ππππ-πππππππ πππ, ππππππππππππ ππ ππππ ππ ππππππππ
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na bigyang-prayoridad ang apat na panukalang batas na nakatuon sa reporma sa pulitika at pagpapalakas ng transparency sa pamahalaan.
Kabilang sa mga panukalang nais pagtuunan ng agarang aksyon ay ang Anti-Dynasty Bill, Independent Peopleβs Commission Act, Party-List System Reform Act, at ang Citizens Access and Disclosure of Expenditure for National Accountability o CADENA Act na layong gawing institusyonal ang mas bukas at mas accountable na pamamahala sa paggamit ng pondo ng bayan.
Sa pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC kaninang umaga, hiniling ng Pangulo sa Senado at Mababang Kapulungan na busisiin ang mga panukalang batas at ipasa ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Dumalo sa pulong sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Sandro Marcos, at iba pang Congressional leaders.
Nagkasundo rin ang LEDAC sa takdang timeline para sa pagpasa ng General Appropriations Bill at sa pagsusumite ng enrolled bill para malagdaan ng Pangulo bilang batas.