26/08/2024
Mga ka Gunner,
Sa iyong pananaw at kung sakaling ikaw ang nasa sitwasyon ng panganib o nanganganib ang iyong buhay dahil sa kilos o gawa ng iba, Ano ang iyong gagawin? Anong aksyon nga ba ang nararapat sa mga sitswayong ganito at Ano nga ba ang nababangit sa ating batas ukol sa nasasabing self defense?
Sinasabi sa ating batas na ang isang tao ay maaaring depensahan ang sarili at hindi magkakaroon ng criminal liability kung masaktan o mapatay niya ang attacker.
Ayon sa Section 1, Article 11 ng Revised Penal Code of the Philippines, ito ay maari lamang mabigay kung ito ay pasok sa mga kondisyon:“Anyone who acts in defense of his person or rights, provided that the following circumstances concur;
▶️ First. Unlawful aggression.
▶️Second. Reasonable necessity of the means employed to prevent or repel it.
▶️Third. Lack of sufficient provocation on the part of the person defending himself."Tingnan natin sila isa isa.
🔴 1. Unlawful aggression:Ang unlawful aggression ay ang aktual na physical assault o threat na magreresulta sa real immiment injury. Ang akto ng attacker ay dapat nagresulta o mag reresulta sa pisikal na injury o harm sa isang tao. Hindi kinukunisderang unlawful aggression ang pag sigaw sayo o pag hamon sayo ng suntukan. Ang halimbawa ng unlawful aggression ay ang pag tutok ng attacker sa iyo ng baril, o kaya pagbunot nito ng kutsilyo o ibang deadly weapon.
🔴 2. Reasonable necessity of the means employed:Ang ibig sabihin nito ay ang ginamit mo bang paraan sa pag pigil sa threat ay necessary o makatarungan? Tinitingnan dito ang extent at nature ng pangyayari, sitwasyon, attacker, at iba pa. Tinitingnan dito ang weapon na gamit ng attacker, ang kanyang pisikal na kondisyon, at iba pang factors. Halimbawa, ang attacker mo ay pilay na naka wheel chair at binabato ka ng bato sa gitna ng kalsada. Ang akto na pag baril sa kanya ay hindi reasonble in my opinion, at maaaring hindi i-konsidera as self defense. Sa scenario na ito, ikaw ay maaaring magkakaroon ng criminal liability dahil maaari ka naman tumakbo nalang para makaiwas sa threat. Hindi din reasonable na baril ang ginamit mo laban sa pag bato sayo.
🔴 3. Lack of sufficient provocation on the part of the person defending himself:Ang batas ay nirerequire na ang taong nag cclaim ng self defense ay hindi pinrovoke ang attacker para magkaroon ng rason ang attacker maging agresibo. Halimbawa, kung may nakabangga sa iyong sasakyan. Uminit agad ang ulo mo, bumaba ka at pinagmumura mo ang driver ng sasakyan at hinamon mo pa sa suntukan. Lumabas siya na may hawak na kutsilyo, dahil dito ay binaril mo siya. Hindi ito considered as self defense.
Bakit? Dahil kaya lang nagkroon ng gulo ay dahil pinrovoke mo siya.Recap tayo, para successfully ma-invoke ng isang tao na ang nagawa niya ay self defense, dapat ay nagkaroon ng imminent threat o harm na nag rerepresent ng unlawful aggression. Dapat din ay risonable ang ginamit at pag gamit ng firearm,force o iba pang instrumento sa pag defend sa sarili. At pang huli ay dapat walang provocation sa part ng nag claim ng self defense para saktan o i-harm siya ng attacker.
Ang pag mamayari ng baril ay may malaking responsibilidad. Hindi tayo may baril para maging mayabang, masyadong matapang, o para mag cause ng harm sa mga tao. Tayo ay may baril para sa ating PROTEKSYON. Kung ang buhay natin ay nasa panganib, mainam na tumakbo at lumayo pahamak. Pero kung wala tayong tatakbuhan at kailangan nating lumaban, ay mainam na meron tayong mabubunot para depensahan ang ating buhay.