09/06/2026
Habang wala pang malinaw na susunod na laban para kay Undisputed Super Bantamweight Champion Naoya Inoue, nagsisimula nang magkaroon ng mga interim title fights sa 122-lb division. Ang una nga rito ay ang kakaanunsyo lang na laban nina Ramon Cardenas at Sam Goodman para sa WBC Interim Super Bantamweight Title.
Samantala sa hanay ng mga Pilipino, ang pinakamalapit sa ganitong pagkakataon ay ang WBO #1 contender na si Carl Jammes Martin.
Ito ang kasalukuyang Top 15 ng WBO sa 122 lbs:
1. Carl Jammes Martin
2. Junto Nakatani
3. Sam Goodman
4. Jerwin Ancajas
5. Luis Nery
6. Yukinori Oguni
7. Gabriel Santisima
8. Mukhammad Shekhov
9. Fillipus Nghitumbwa
10. Murodjon Akhmadaliev
11. Sebastian Hernandez Reyes
12. Jorge Ascanio Martinez
13. Shabaz Masoud
14. Tyrone Buttigieg
15. Alex Vallecillo
Kung magkakaroon ng WBO Interim title fight, nasa magandang posisyon si Martin. Ang tanong nga lang ngayon: sino ang posibleng magiging kalaban?
Hindi available si Nakatani dahil sa injury. Si Goodman ay may nakatakdang laban na. Si Ancajas naman ay kasalukuyang naka-focus sa Zuffa Boxing. Si Nery ay kagagaling lang sa pagkatalo.
Sa ganitong sitwasyon, lumalabas na si #6 Yukinori Oguni ang pinaka-malapit na posibleng makaharap ni Martin.
Gayunpaman, marami pang maaaring magbago sa mga susunod na buwan. Ngunit sa ngayon, malinaw na nasa magandang posisyon si Carl Jammes Martin bilang #1 contender.