02/08/2025
Sobrang nakakapanlumo!
3 Grade-11 Students, Pat*y ng sumalpok ang motor na sinasakyan sa isang bahay!
Ayon sa mga kinauukulan, nawalan ng kontrol ang motor dahil sa palusong at pakurba ang kalsada, kaya nagdere derecho ang motor at malakas na sumalpok sa isang bahay sa Pagadian City, August 1, 2025.
Babae ang driver, dead on arrival parehas ang driver at isang angkas na babae, yung lalaki nakatayo at malakas pa, nagtamo ng malaking sugat sa noo, takot na takot at makikitaan ng matinding pag aalala dahil sa nangyari sa dalawa nyang kasama.
Wala daw klase dahil may activity sa school, kaya nagkaayaan maggala muna ang mga estudyante.. ayon sa lalaki inaya lang daw sya kaya sya sumama.
Sa cctv, mabilis ang takbo ng motor papasok sa bahay, nasira ang bakal na gate sa sobrang lakas ng impact, nakita din kung paanong humampas sa hamba ang ulo ng isa sa mga babae.. sobrang gulat din ng may-ari ng bahay sa pangyayari😓
Ayon sa latest update, namat*y na din ang isang lalaking angkas😓
Nakauwi pa daw sya matapos ang malagim na pangyayari, pero sumuka daw sya ng dug*, ngunit hindi sya nagpaadmit. Nagkaroon ng blood clot na naging dahilan ng pagkamatay nya😢
Napakasakit para sa mga magulang na ganito ang kahinatnan ng mga anak😢
Yung akala mo nasa school sila tapos ganito na pala ang nangyari😭😭😭
Pawang mga 17 anyos ang biktima...
Bagama't walang may kagustuhan ng pangyayari, maging babala po sana ito na wag tayong kampante sa pagmamaneho lalo na at wala pa tayong lisensyang magmaneho, walang sapat na kaalaman at proteksyon😢
Sa mga anak, pag pinagbabawalan kayo ng magulang nyo, wag sanang sasama ang loob ninyo. Pinagbabawalan kayo dahil ayaw nila kayong mapahamak, pinag-iingatan nila na may mangyaring hindi maganda sa inyo.
Ang pag aalala ng magulang ay natural lang dahil mahal nila kayo.
Rest in peace sa inyong tatlo😞 🕊️
Condolence po sa pamilya ng mga nasawi🙏🏻🙏🏻🙏🏻