28/09/2025
Botchi
Sikreto sa maumbok at masarap na Ube Cheese Buchi!
Procedure:
Una sa bowl maglagay lang ng 1/3 cup ng tubig at 3 tbsp ng asukal
Tunawin lang muna natin yung asukal sa tubig
Eto yung isa sa sikreto para mas maging maumbok at hindi mag-deform yung magagawa natin buchi
Kapag kase naluto ang asukal, medyo nagiging crunchy sya kapag nalamigan kaya eto yung isa sa dahilan para hindi lumubog ang buchi
Lagyan na din yan ng 1/4 tsp ng ube food coloring
Optional lang ang food coloring, pwede namang wag na maglagay nyan
Haluin lang then saka maglagay ng 1 cup ng glutinous rice flour
Haluin lang yan ng husto until sa maging dough na
Then kapag ganun na nga, kumuha lang ng 1 tbsp ng dough at syang i-flatten sa palad
Pagkaflatten maglalagay naman dyan ng mozzarela cheese at syang ibabalot sa dough at ihulma ng pabilog
Pwede naman kayong gumamit ng ordinary cheese dito
Kapag nagawa na lahat, coat lang yan sa sesame seeds at bilugin ulit sa palad para mas kumapit ang sesame seeds
Once done, lutuin lang ang mga nagawang buchi sa mantika
Dapat nakalutang sa mantika ang pagluluto nito, and dapat low heat lang ang pagluluto
Para lutong luto talaga hanggang loob
Once lumutang na, lutuin pa for 1 minute at wag masyadong i-brown ang buchi
Ready to serve! Enjoy! ❤️❤️❤️