
22/07/2025
BABALA: SENSITIBONG BALITA
Isang bangkay ng isang 60-anyos na lalaki ang natagpuan sa Bagong Silang, Caloocan City nitong Martes, July 22, 2025.
Ayon sa North Caloocan CDRRMO, ang natagpuang lalaki ay isa sa mga nakasakay sa isang itim na kotse na inanod sa Camarin, Caloocan City kagabi sa kasagsagan ng baha at sama ng panahon. Pinaghahanap pa rin ang kaniyang kasama, ayon sa awtoridad.
Courtesy: North Caloocan CDRRMO, Chino Gaston/GMA Integrated News