DepEd Tayo-Borol I Elementary School-104729

DepEd Tayo-Borol I Elementary School-104729 Official page of DepEd Tayo Borol I Elementary School
Borol I, Balagtas, Bulacan
104729

Happy Birthday Idol Konsi Ronem!!! God Bless You Always!!! We Love You!!
15/07/2025

Happy Birthday Idol Konsi Ronem!!!
God Bless You Always!!!
We Love You!!

π‘΄π’‚π’π’Šπ’ˆπ’‚π’šπ’‚π’π’ˆ π‘²π’‚π’‚π’“π’‚π’˜π’‚π’ π‘²π’π’π’”π’Š π‘Ήπ’π’π’†π’Ž!

Mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Borol Primero sa pangunguna ng ating Punong Barangay at ABC President Igg. Reymund B. Estrella, at mga kagawad. Isang Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan Kagawad Ronem Anthony S. Barcellano.

Hangad namin ang pananatili mong malusog at ligtas upang patuloy na makapaglingkod sa ating bayan. Patuloy kang maging inspirasyon sa ating kabataan at nawa'y magpatuloy ang iyong dedikasyon at serbisyo para sa ating komunidad.

Pagpalain ka ng Diyos at nawa'y maging masaya at makabuluhan ang iyong araw!


14/07/2025

πŸ“£ TURNOVER CEREMONY & OATH TAKING 2025
πŸ“ Borol I Elementary School

Isinagawa ngayong araw ang SPTA at Faculty Club Turnover Ceremony at Oath Taking ng Borol I Elementary School. Pinangunahan ito ng masigasig na Punong G**o I, Sir Rodbert M. Santos, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng mga g**o at magulang sa paaralan.

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag na samahan at mas maayos na pamamahala para sa kapakanan ng bawat mag-aaral. Mabuhay ang bagong hanay ng mga opisyal

Lorelina G. Sierra, EdD
District Supervisor

Rodbert M Santos
Principal 1

,B1toLead

πŸ“š  ARAL Program Leaflet Distribution sa Borol I Elementary School πŸ“šBilang bahagi ng pagpapaigting ng pagbasa at pagkatut...
10/07/2025

πŸ“š ARAL Program Leaflet Distribution sa Borol I Elementary School πŸ“š

Bilang bahagi ng pagpapaigting ng pagbasa at pagkatuto ng mga mag-aaral, ang mga g**o ng Borol I Elementary School ay nagsagawa ng pamamahagi ng leaflets ukol sa ARAL Program (Academic Recovery and Accessible Learning Program) ng Department of Education.

Ang mga leaflet ay ipinamigay sa mga magulang upang maipabatid ang layunin, kahalagahan, at mga benepisyo ng programang ito sa edukasyon ng kanilang mga anak. Layon ng ARAL Program na mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga mag-aaral na may learning gaps, upang sila ay makasabay sa aralin at higit pang mapaunlad ang kanilang kaalaman.
✨ Sama-sama nating suportahan ang edukasyon ng bawat batang Pilipino!
πŸ“– Sa ARAL Program, walang batang maiiwan!

Lorelina G. Sierra, EdD
District Supervisor

Rodbert M. Santos
Principal I

,B1toLead

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA PARA SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARALπŸ“ Borol I Elementary SchoolSa pangangalaga ng kalusugan ng ating ...
10/07/2025

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA PARA SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL
πŸ“ Borol I Elementary School

Sa pangangalaga ng kalusugan ng ating mga bata, ipapaabot ng paaralan katuwang ang Department of Health (DOH) ang mahahalagang programang bakuna para sa mga piling baitang:

πŸ’‰ Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) Vaccines
πŸ“Œ Para sa mga mag-aaral sa Baitang 1
βœ”οΈ MR – proteksyon laban sa tigdas at rubella (tigdas-hangin)
βœ”οΈ Td – proteksyon laban sa tetano at dipterya

πŸ’‰ HPV (Human Papillomavirus) Vaccine
πŸ“Œ Para sa mga batang babae sa Baitang 4
βœ”οΈ Proteksyon laban sa cervical cancer sa hinaharap

🎯 Ang mga bakunang ito ay bahagi ng libreng serbisyo mula sa DOH upang mapanatili ang malusog at ligtas na kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

πŸ“… Abangan ang anunsyo para sa eksaktong petsa at iskedyul ng pagbabakuna sa inyong mga silid-aralan.

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§ Hinihikayat po namin ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na makipag-ugnayan at suportahan ang programang ito. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat bata!

09/07/2025

Isang mainit na pasasalamat sa lahat ng magulang at tagapag-alaga na aktibong dumalo sa naganap na Parents Orientation sa ating paaralan! πŸ’™

Tinalakay sa pulong ang mga sumusunod na mahahalagang agenda:

βœ… ARAL Program Orientation sa bawat grade level
πŸ’‰ 5-in-1 vaccine para sa Grade 1 at HPV vaccine para sa Grade 4 learners
🀝 SPTA Project para sa kapakanan ng mga mag-aaral
🌿 Zero Waste School Program ng YES-O
πŸ“š Home Study Habit para sa mas epektibong pagkatuto sa tahanan

Ang matagumpay na pagtitipon ay patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at mga magulang sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at de-kalidad na edukasyon para sa lahat ng bata. πŸ€—

Muli, maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa!

Rodbert M. Santos
Principal I

🩷 Lorelina G. Sierra, Ed. D
PSDS - Balagtas

08/07/2025
🟒 Nutrition Month 2025 Celebration 🟒Ang Borol I Elementary School ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition ...
04/07/2025

🟒 Nutrition Month 2025 Celebration 🟒

Ang Borol I Elementary School ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo 2025 na may temang β€œSa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!”

Layunin ng selebrasyong ito na palaganapin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon sa kalusugan at pag-unlad ng bawat mag-aaral at miyembro ng komunidad. Sama-sama nating isulong ang masustansyang kinabukasan para sa lahat!

03/07/2025

πŸ“£ GENERAL PTA ELECTION 2025-2026 πŸ“£

Isinagawa nitong Hulyo 2, 2025 ang matagumpay na General PTA Election para sa Taong Panuruan 2025-2026 sa Borol I Elementary School. Pinangunahan ito ng masigasig na SPTA Adviser na si Gng. Melissa G. Fernando, katuwang ang butihing Punong G**o I na si Sir Rodbert M. Santos.

Ang eleksyon ay naging bukas, maayos, at puno ng partisipasyon mula sa ating mga magulang na handang makiisa sa layunin ng paaralan para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral. Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at bumoto!

Mga Bagong SPTA Officers S.Y 2025-2026

President: Jacqueline Garcia
V.President: Erica Castro
Secretary: Maricris Cambi
Treasurer: Karen Santiago
Disbursing Officer: Belle Santos
Auditor: Rose Ann Paredes
Business Manager: Jennylyn Estrella
Peace Officer: Andy Batalla
Members:
Rosalie Bisnar
Jasmine Vergara
Olivia Alibudbud
Diana Gasmin

Adviser: Gng. Melissa G. Fernando

02/07/2025

πŸ“Έ LOOK! Our learners are now exploring the basics of MS Word and other ICT skills in their EPP classes inside our fully functional ICT Room! πŸ’»πŸ–±οΈ
Truly a step forward in building digitally literate learners ready for the future! πŸš€

πŸ™ Big thanks to our dedicated EPP/TLE teachers and our committed ICT Coordinator, Sir Maynie Pavilando, for making this facility functional and learner-friendly! πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Lorelina G. Sierra,EdD.
District Supervisor

Rodbert M. Santos
Principal I

01/07/2025

Isinagawa ang Project ARAL Orientation para sa mga Grade Leaders at Master Teachers ng Borol I Elementary School bilang bahagi ng patuloy na hakbang tungo sa pagtuturo at pagkatuto. Pinangunahan ito ng masigasig na punong-g**o, Sir Rodbert M. Santos, Principal I, na nagbigay ng malinaw na direksyon at inspirasyon sa layunin ng proyekto.

Ang orientation ay naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga g**o sa implementasyon ng Project ARAL upang mas matulungan ang mga batang nangangailangan ng karagdagang suporta sa kanilang pag-aaral.

30/06/2025

🌈 Happy Pride Month! πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

Ipinagdiriwang ng Borol I Elementary School ang Pride Month sa pamamagitan ng makabuluhan at masayang mga aktibidad na layuning itaguyod ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagtanggap sa bawat isa β€” anuman ang kasarian o pagkakakilanlan.

Sa pamamagitan ng mga likhang-sining, poster-making, storytelling, at mga values-integrated classroom activities, naipadama ng ating mga mag-aaral ang kanilang suporta at pang-unawa sa adbokasiya ng pagmamahal at pagkakaisa. β€οΈπŸ§‘πŸ’›πŸ’šπŸ’™πŸ’œ

Love is love. Respect is universal. Everyone belongs. ✨

Address

Balagtas

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639257787481

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo-Borol I Elementary School-104729 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DepEd Tayo-Borol I Elementary School-104729:

Share