Kairos x Kaia

Kairos x Kaia Where it meets, as it comes.

Motorcycle Throttle Assist/BoosterEto pang bawas sa ngalay lalo kung nasa cruise speed na kayo or sa expressways. Mas pr...
02/07/2026

Motorcycle Throttle Assist/Booster

Eto pang bawas sa ngalay lalo kung nasa cruise speed na kayo or sa expressways. Mas preferred ko tong clamp type lang kasi pwede i adjust pag need mo mas mataas. Nagsimula akng gumamit neto kay Bodhi pa at malaking improvement sa pangangalay sa biyahe.

Ride safe, always! πŸ€™πŸ»βœŒπŸ»

Motorcycle Throttle Assist/Booster - https://s.shopee.ph/9Kg8912Tqn...

Motorcycle Kick Starter Rubber CoverBawas sakit sa paa sa tuwing gagamit tayo ng kick start. Yung big ang binili ko at s...
02/07/2026

Motorcycle Kick Starter Rubber Cover

Bawas sakit sa paa sa tuwing gagamit tayo ng kick start. Yung big ang binili ko at sinubukan sa video na to.

Ride safe, always! πŸ€™πŸ»βœŒπŸ»

Motorcycle Kick Starter Rubber Cover - https://s.shopee.ph/40ebko08...

02/07/2026

Motorstar Cafe 400 - Break in ride!

Dahil ready na ang OR/CR e hinanda ko na agad si Kairos para sa break in ride! Punas at duster muna. Hindi ko pa pala to na bike wash para sa casa stock look. 😁

5am kami umalis para di pa mainit at dederetso muna sa NLEX Shell Balagtas para magpakabit ng RFID. https://www.facebook.com/share/r/1BCqagH6P1/

After nito ay derecho na pa Subic.

Experience! πŸ“
1. Sobrang saya! 🀩
2. Napakalaking ginhawa sa pagmamaneho! Eto pala ang pakiramdam ng mag motor sa expressway. 😊
3. Toll fee with pros and cons. βš–οΈ
4. A whole new view and sceneries. 🏞️
5. Panibagong riding skills ang matutunan. πŸ“
6. Sarap ibirit. 😎

Ride log! πŸ“Š
1. Break in speeds in km/h - Buong biyahe ay 60 to 80 ang takbuhan, ang ginagawa ko ay pababa ng 60 galing 80 tapos paakyatin ulit ng 80 galing 60 vice versa. Cruise sa 70 pag nangalay. Marahang pagpiga lang at hindi biglaan, minsan bumibirit din.
2. Strong vibration lalo pag aarangkada pag mag overake.
3. Notable ang hangin galing sa mga bus at truck pero sanay na kase ko sa open roads ng provincial national highways.
4. Tire pressure in psi - 32 front / 36 rear
5. Fuel Consumption from 2km to 262km using full tank method - 260 / 9.840 = 26.42 KM/L using Rephil 91 octane
6. Stock engine oil

Ride safe, always! πŸ€™πŸ»βœŒπŸ»

25/05/2026

Motorstar Cafe 400 - RFID Installation

Dahil expressway legal ng ating motor ay siyempre importante na meron tayong RFID. Convenient po kase na meron tayong RFID para hindi na tayo pipila pa sa cash lane.

Meron tayong dalawang klase ng RFID - Easytrip at Autosweep.

Ngayon ay hindi na kailangang magpakabit ng dalawang RFID dahil naka One RFID na po tayo. At dahil dito ay Easytrip ang aking ipapa install dahil ito ang malapit sa aking lugar at mas maganda ang phone nila - MPT DriveHub.

I suggest na magbook kayo ng appointment dun sa station na mapupuntahan niyo para mabilis.

Dito niyo po makikita yung Book an Appointment at Easytrip Station Finder - https://easytrip.ph/subscription

Shell Balagtas ang station of choice ko kase kasabay na din nito ang aking break in ride. 6am to 7am ang slot na aking na book. Dala ko ang OR/CR at isang valid ID. 5:45am nasa Shell Balagtas.

Yung booth nila ay nasa unang building after ng pump stations. I suggest magpark lang kayo malapit dito para mas malapit sa installation.

Ako ang una sa pila pagdating ko at by 6:10am ay nagstart na sila mag serve. Dahil may appointment na ako, pinakita ko nalang yung appointment details ko with QR code. Hiningi sa akin yung OR/CR at after maverify at magassign ng RFID account at sticker ay for first top up o load. Libre po ang pakabit o install ng RFID.

After mag top up ay for installationa na at habang papunta kami ay tinanong ko kung pwede ba sa windshield o visor ilagay. Pwede naman at ang iniiwasan daw nila ay sa parte na bakal o metal. Kaya ayun sa windshield ko pinalagay at chineck lang ang plaka kung match at tapos na! Nangyare po ito ng within 10 minutes lang, between 6:10am to 6:20am.

Ride safe, always! πŸ€™πŸ»βœŒπŸ»

OR/CR SECURED for Kairos! πŸ₯³Motorstar Cafe 400 OR/CR experienceSa wakas! After three weeks ay nakuha ko na.Sale date May ...
23/05/2026

OR/CR SECURED for Kairos! πŸ₯³

Motorstar Cafe 400 OR/CR experience

Sa wakas! After three weeks ay nakuha ko na.

Sale date May 1
CR date May 8
OR date May 7

May 8 nang makita ko na ang entry sa LTO Portal kaya mas na excite ako. Kaya nagpagawa na ko agad ng Temporary Plate gamit ang bagong format.
*Credits to fb.com/LTONCROFFICIAL for the temporary plate image.

Pwede palang makuha to as early as one week palang kung mabilis ang casa. πŸ€”

Di kase ako nag follow up sa casa at netong Huwebes lang ako nagtext sa kanila.

Biyernes, kahapon ay sinadya ko nang puntahan ang casa dahil di sila ngrereply. At tama nga ang kutob ko, available na! Kaso photocopy lang ang meron daw sa CR at wala pang plaka. Pero original na ang OR.

Dali dali na akong nag pa photocopy para may dala na akong documents na maipapakita. 😊

Sa wakas at mailalabas ko na si Kairos! Punas punas muna at break in ride soon! πŸ€―πŸ’Έ

Ride safe, always! πŸ€™πŸ»βœŒπŸ»

Motorcycle rubber foot pedal cover.Para sa dagdag contact ng break pedal sa sapatos naten. Nakapag install na din ako ng...
22/05/2026

Motorcycle rubber foot pedal cover.

Para sa dagdag contact ng break pedal sa sapatos naten. Nakapag install na din ako ng ganito kay Bodhi at hindi naman ako nagkaissue sa dulas sa sapatos.

Ride safe, always! πŸ€™πŸ»βœŒπŸ»

Motorcycle rubber foot pedal cover for additional contact with shoe...

Day 17 of waiting for the OR/CR. Motorstar Cafe 400 - mga bagay na napansin ko sa unit nung naiuwii na galing casa si Ka...
17/05/2026

Day 17 of waiting for the OR/CR.

Motorstar Cafe 400 - mga bagay na napansin ko sa unit nung naiuwii na galing casa si Kairos.

1. May yupi sa speedometer gauge.πŸ˜…
2. May mga paint issues sa mount at ng rear fender. πŸ€”
3. Maalikabok. 😷
4. Wala ng plastic cover yung rpm gauge. πŸ˜…

Ride safe, always! πŸ€™πŸ»βœŒπŸ»

15/05/2026

Day 15 of waiting for the OR/CR.

Motorstar Cafe 400 - casa pauwi ng bahay review. ✌🏻

After matapos ang mga documents, for release na si Kairos. πŸ˜†

Nagkwento muna ang mekaniko na nag pre check. Ilista ko na lang sa baba. (Kung ano nalang ang maalala at dagdagan ko nalang din)

1. Mabigat ang Cafe 400. πŸ—£οΈ 150kgs dry | 166kgs wet
2. Malakas ang torque o hatak.
3. Mahina ang busina at maigi palitan.
4. Tingnan yung mga hose ng oil breather papuntang oil catch-can/separator na papuntang air filter box. Pwede kasi tong mga tupi katagalan o habang ginagamit. πŸ—£οΈ Ganito rin ang isa sa tinitingnan sa Keeway Cafe Racer 152 (Bodhi) - ang ginawa ko noon ay pinalitan ko ng LPG hose para mas matibay. Yung tira e binabalak ko ilagay dito kay Kairos.
5. Yung side covers na rubber fittings nya ay madaling matanggal kaya dahan dahan ang pagkalas para di mawala.
6. Hindi na pwede mabali ang tingin sa daan.
7. Hanginan ang gulong kase medyo malambot.
8. Magdala ng sariling langis sa first 500km change oil. πŸ—£οΈ Siyempre Delo Gold. 😁

Pagkatapos niyan ay nagpatulong ako ibaba sa rampa kase mabigat e at baka unang araw palang magasgasan na agad. πŸ˜…

Siyempre pagkababa ay picture taking muna ng casa at pagkatapos non ay dumerecho na ko sa gasolinahan. Rephil ang pinakamalapit na kilala ko dun sa lugar at regular unleaded (91 octane) ang pinakarga ko. 12.12 liters ang full tank. Potential issue kase yung float ng carb kaya pinakargahan ko na para habang kalalabas palang ay malaman kung may issue. 🀞🏻

Wala pang 3kms ang layo mula sa casa. Bitin! Pero eto na ang napansin ko.

1. Mabigat.
2. Para kong tinutulak palikod o napapaatras sa upuan ko pag naabante gawa ng hatak.
3. Ang ganda ng lapat sa kalsada gawa ng bigat at gulong (o flat?) na din.
4. Wow ang sarap pakinggan ng stock pipe at yung tunog ng iintake grabe! Ganito rin yung nagustuhan ko kay Bodhi sa tunog ng intake niya. 🎢😍

Yan ang ating casa pauwi ng bahay review. ✌🏻

Ride safe, always! βœŒπŸ»πŸ€™πŸ»

Day 11 of waiting for the OR/CR. New bike - Motorstar Cafe 400 and decided to have a page - Kairos x Kaia! πŸ€™πŸ»April 30 na...
11/05/2026

Day 11 of waiting for the OR/CR.

New bike - Motorstar Cafe 400 and decided to have a page - Kairos x Kaia! πŸ€™πŸ»

April 30 nag reach out kami sa Motorstar branch para mag inquire about sa unit at kukunin namin kinabukasan. Kinahapunan nagsabi sila na may stock sila at ready na itransport sa branch nila.

May 1, mga 10:30am pinuntahan na namin sa branch at pagdating namin ay naka display na ang unit. πŸ€ͺ

Inasikaso na agad namin ang papel. Habang inaasikaso e nagsimula na din ang pre release check up ng motor, siyempre sariling check up din. βœ…

Mga 1:30pm nailabas na namin ang unit at derecho agad sa gas station para makargahan at malaman kung possibleng may tama ang float at mabuti at wala naman. 😌

Kaso derecho muna kami ng bahay at ayan hanggang ngayon hindi pa namin nailabas ulit dahil wala lang pang papel at plaka. πŸ˜‚

May libreng full face helmet kaso sa sobrang excited ko umuwi ay hindi ko na natanong ang manual at tools. πŸ˜…

At ang pangalan pala niya ay Kairos. πŸ€™πŸ»

Ride safe, always! ✌🏻

Address

Km32 NLEX Northbound Borol 2nd Balagtas Bulacan
Balagtas
3016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kairos x Kaia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share