
21/07/2025
Kamatayan: Abner! Kukunin na kita.
Abner: Wag po muna ngayon Kamatayan, marami pa akong gagawin.
Kamatayan: Naku hindi pwede, ikaw ang una rito sa listahan ng mga mamatay.
Abner: Sige po, tatapusin ko muna 'tong ginagawa ko. Ang mabuti pa, pagtimpla muna kita ng kape habang nag-aantay. At pagkatapos ko dito, pwede na tayong lumarga.
(Eh nilagyan ni Abner ng pampatulog ang kape at nang makatulog si kamatayan, binura ni Abner ang pangalan niya at inilagay sa pinakahuli ng listahan)
Kamatayan: Aba! Napasarap yung tulog ko kaibigan. Okay ka pala Abner, Napakabuti ng pakikitungo mo sakin. O sige, dahil diyan magsisimula na lang ako sa pinakahuli sa listahan.🥲🥲😮💨🤧