Ate Dok

Ate Dok Internal Medicine Specialist
Toxicology
Kaizen Ambassador
💌[email protected]
Want to lose weight?👇
https://100daytransformation.ph/docmic Mariae Mistica E.

Edquid aka Ate Dok is a Board Certified Internal Medicine Specialist and Vlogger who's goal is to goal is to bridge the gap between medical knowledge and the general public by creating engaging and informative content.As a vlogger and a doctor, my mission is to emphasize the importance of preventive care in maintaining overall well-being.

Sana gawing ₱500 per stick ang sigarilyo para matauhan na tayo.Lalakad ka lang sa kalsada, may amoy yosi agad.Kahit hind...
14/01/2026

Sana gawing ₱500 per stick ang sigarilyo para matauhan na tayo.

Lalakad ka lang sa kalsada, may amoy yosi agad.
Kahit hindi ka smoker, kasama ka sa hithit.
Libre secondhand smoke...

Hindi to tungkol sa pera para kumita ung mga nag bebenta.
Tungkol to sa respeto sa katawan at sa kapwa.

Yung usok na nilalanghap ng iba, may parehong lason at sakit na diretso sa baga at puso.

Kung magiging P500/stick yan, baka may installment yung isang kaha.

14/01/2026

May anxiety ka? ゚viralシ

I dont know who needs to hear this but…May nagsabing stupid ang mga post ko.May nagtanong kung anong klaseng doktor ako....
14/01/2026

I dont know who needs to hear this but…

May nagsabing stupid ang mga post ko.
May nagtanong kung anong klaseng doktor ako.
May nagsabing panget, mukhang bading.

Hindi ako nagpo post para magustuhan ng lahat.
Nagpo post ako para maintindihan ng taong handang matuto.

Ang totoo, hindi para sa lahat ang kaalaman.
Pero huwag mong sirain yung gustong umangat dahil lang ayaw mong mag isip.

Mas masakit lang isipin na minsan,
kapwa Pilipino mo pa ang unang manghila pababa.
Hindi dahil mali ang sinasabi mo,
kundi dahil mas komportable silang manatiling ignorante kaysa umamin na may natututunan sila.

P.S.
Mas madali talagang manglait kaysa magbasa, mag intindi, at magbago.
Pero okay lang, hindi naman para sa lahat ang kaalaman.

Alam mo ba kung ano talaga yung mas masakit sa pagiging sobrang taba?Hindi yung hirap gumalaw.Hindi yung damit na ayaw n...
14/01/2026

Alam mo ba kung ano talaga yung mas masakit sa pagiging sobrang taba?
Hindi yung hirap gumalaw.
Hindi yung damit na ayaw na magkasya.
Hindi yung litrato na hindi mo na kayang tingnan.

Mas masakit yung araw araw mong pinapatunayan sa sarili mo
na kahit anong pilit mo…
hindi mo kayang baguhin yung sarili mo.

Dati… sobrang taba ko.
105kg.
Yan yung pinakamabigat ko.
Doktor ako.
Araw araw akong nagsasabi sa pasyente na kailangan nilang magpapayat para maging healthy.
Pero pag uwi ko…
ako mismo..
hindi ko magamot.

May mga gabing nakatingin lang ako sa salamin,
tinitingnan yung katawan ko,
tapos bigla na lang akong naiiyak.
Hindi dahil sa itsura lang.
Kundi dahil sa tanong na paulit ulit sa utak ko:
“Kung alam mo naman ang gagawin…
bakit hindi mo magawa?”

Ang sakit non..

Isang gabi, natulog akong pagod na pagod.
Tapos nagising ako…
hirap huminga, nanlalamig, parang may nakadagan sa dibdib ko.
Tahimik ang paligid…
pero may pumasok na tanong na hindi ko makalimutan hanggang ngayon:
“Ganito ba ako mamamatay?”

Hindi dahil mataba ako.
Kundi dahil sumusuko na yung katawan ko.
At mas nakakatakot pa doon?
Baka mabuhay ako ng ganito habang buhay.

Hindi ko sinimulan yung journey na to para pumayat.
Hindi para magka abs.
Hindi para magpa before and after pic.

Sinimulan ko to kasi
ayoko nang kamuhian yung sarili ko habang buhay pa ako.
Araw araw, nilaban ko.
Hindi dahil malakas ako…
kundi dahil wala na akong gustong balikan.

Hanggang isang araw…
hindi ko man agad napansin sa katawan,
napansin ko sa loob.

Mas tuwid na akong tumayo.
Mas kaya ko nang tumingin sa mata ng tao.
At yung salamin…
hindi ko na tinatalikuran.

Doon ko naintindihan..
Hindi lang pala katawan ang binabago kapag pinili mong lumaban para pumayat.
Pati yung paningin mo sa sarili mo… gumagaling.

Doon ko nakilala ang Kaizen.
Hindi siya para sa lahat.
Hindi rin siya madali.
Pero kung nasa punto ka na na
pagod ka na sa sarili mong paulit ulit na dahilan,
baka ito yung program na ayaw mong amining
kailangan mo na.

Ngayon?
Healthy ako.
Fit.
Malakas.
Pero higit sa lahat…
hindi na ako galit sa sarili ko.

Kung may isang taong kayang umintindi ng bigat na dala mo ngayon..
ako yon.
At kung may parte sa yo na tahimik lang,
pero sumisigaw ng:
“Ayoko na ng ganito…”
pakinggan mo yon.

Kasi sa dulo ng lahat ng ‘to,
wala talagang mas masakit pa sa tanong na:
“Paano kung sinubukan ko…
pero hindi ko ginawa?”

Kung gusto mong malaman paano ako nagsimula—
at bakit hindi ko na hinintay pang lumala…
👉 Simulan mo dito:
https://100daytransformation.ph/docmic

- Ate Dok

13/01/2026

Bawal magrice sa gabi

Hindi mo kailangan talunin ang lahat ng masama sa mundo.May mga araw na gusto mo na lang gumanti.May mga taong parang fu...
13/01/2026

Hindi mo kailangan talunin ang lahat ng masama sa mundo.

May mga araw na gusto mo na lang gumanti.
May mga taong parang full time ang pang iinis.

Pero pinili mo pa ring maging mabuti.
Hindi dahil mahina ka, kundi dahil malinaw ang konsensya mo.

Ang pagiging mabuti, responsibilidad mo.
Ang pagiging masama, hindi mo na trabaho yan.

PS: Maging mabuti ka lang. Si Lord na bahala sa kanila… may sariling group chat yan. 😌

13/01/2026
Ito ang masakit  na katotohanan..Nagsimula lang ako magbahagi ng health content para ipaintindi ang mga bagay na hindi s...
13/01/2026

Ito ang masakit na katotohanan..

Nagsimula lang ako magbahagi ng health content para ipaintindi ang mga bagay na hindi sinasabi nang diretso.Habang may natutulungan, may mga nasasaktan din pala.

Hindi kasalanan ng impormasyon kung uncomfortable ka sa narinig mo.

Kapag tinamaan ang maling paniniwala, ang unang reaction ng tao ay manlait, hindi mag isip.

PS.
Minsan ang ingay at panlalait galing lang talaga sa taong walang laman.

Mukha daw akong trans at lady boy pero bakit pangalan ko nasa listahan?Habang may nagcocomment ng lait at hula sa pagkat...
12/01/2026

Mukha daw akong trans at lady boy pero bakit pangalan ko nasa listahan?

Habang may nagcocomment ng lait at hula sa pagkatao ko, tahimik lang akong nagtatrabaho.
Araw araw nagbabasa, gumagawa ng content, at sumasagot ng tanong ng taong gusto talagang matuto.

Hindi mo kailangang maging kaaya aya sa lahat para maging tama.

At lalong hindi mo kailangang ipaliwanag ang sarili mo sa taong ayaw namang umintindi.

Kasi ang resulta, hindi nadadaan sa opinyon kundi sa konsistent na gawa.

PS. Kung ginagamot ang inggit, matagal ka nang naka admit.

Thank you Pinoy History Mabuhay ka 🇵🇭

11/01/2026

Adres

Philippine

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Ate Dok nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Contact

Stuur een bericht naar Ate Dok:

Delen