12/09/2023
Worth sharing post mga momsh 👍🏻👍🏻👍🏻👍🏻
ANG PARTY NA AYAW NATING LAHAT
Sa lahat ng party, 3rd party ang hindi worth celebrating. Maraming marriage, pamilya at buhay na ang nawasak ng ‘party’ na ito.
Sigurado ako na wala kahit isa sa atin ang nagkaroon ng desire na maging kabit, mangaliwa at makasira ng pamilya. Pero bakit ganun? Parang nagiging norm na sya?
Walang exempted sa mga temptation. No one is immune. Lahat tayo pwedeng matukso, pero may choice tayo kung bibigay tayo o lalayo. We all need to be care and be intentional.
How to ‘affair-proof’ our marriage? Here are 10 practical tips:
1. KNOW THE STEPS THAT LEADS TO AFFAIR
Para hindi tayo magitla na nag-fall na pala tayo sa pakikipag-affair kailangan nating malaman ang ‘anatomy of an affair’:
- New Situation
- Visual Attraction
- Innocent Meetings
- Intentional Meetings
- Public Lingering
- Private Lingering
- Intentional Isolation
- Pleasurable Isolation
- Affectionate Touches
- Passionate Embrassing
- Capitulation
- Acceptance
Yan ang pagkakasunod mga kaibigan. We need to be aware of the process para maaga palang maputol na natin ang dapat putulin dahil alam na natin ang patutunguhan.
2. DECIDE
Simula palang, dapat decided na tayo na babantayan natin ang ating mga sarili from any relationship na pwedeng mag-lead sa emotional or s*xual affair. Hindi pwede yung nag-dadalawang isip tayo. Bawal ang urong-sulong. Be firm.
3. SET CLEAR BOUNDARIES
Sa dami ng attractive people sa mundong ito, hindi malabong may ma-attract tayo or tayo ang ma-attract sa iba. Kapag na-encounter mo yung taong yun, limit your contact with him/her. OA na kung OA pero kung katrabaho mo yun, kumare, ka-facebook o basta malapit sya sayo, be very careful sa pagsshare ng mga personal stories or information sa kanya. Di mo namamalayan, yung simpleng pag-kakaibigan mauuwi na pala into something special.
Personally, ito ang boundaries na sineset namin ni Mark for ourselves:
1. No endearments (Bes, Kyah, Etc.) — tawagin mo sya sa sarili nyang pangalan.
2. Bawal magsabay sa kotse. Ungentleman na kung ungentleman pero bawal makisabay.
3. Walang ibang babae ang uupo sa driver seat kundi ako lang (Nanay ko at Nanay lang niya pwede o kaya Tita)
4. No long chats or meetups with the opposite s*x — kasama dapat ako o kaya may ibang kasama
5. No counselling of the opposite s*x — kapag babae irerefer niya sakin, kapag lalaki lumapit sakin rerefer ko sa kanya
6. Transparency sa passwords and accounts — hindi rin ubra ang may 2nd phone ng palihim
7. Pag may opposite s*x na parang may ibang pakay, BLOCK AGAD.
8. No giving and accepting of special favors from the opposite s*x
9. No selfie and no akbay from the opposite s*x
10. Kaibigan ko, kaibigan niya. Kaibigan niya, kaibigan ko.
Yan at marami pang iba. These boundaries are customized sa amin. You can make your own. But for me, mukhang effective ito sa kahit kaninong couple.
4. PROTECT YOUR DATE NIGHTS
Make time for your dates. Kung nakakapag-overtime tayo, nakakapaglaro ng ilang oras ng paborito nating games, nakakanood ng paborito nating series, we should make time for our spouses. Mas mahalaga ito kaysa sa trabaho natin o sa kahit saan pa. Protect it, whatever it takes.
5. SCHEDULE S*X REGULARLY
Yes! Scheduled talaga! Kung kinakailangan na i-calendar at i-alarm para lang maalala nyo, do it! Kasi darating ang time na lilipas ang season ng honeymoon at magiging luxury ang matulog nalang. Wag tayo magpaconsume sa mga gawain sa buhay at sa bahay. Isipin natin na tayo lang ang katangi-tanging pwedeng mag-meet sa s*xual needs ng mga asawa natin WALA NG IBA.
6. FLEE FROM PO*******HY
Kahit kailan wala itong magiging magandang dulot sa buhay natin at sa marriage natin. These impurities na pinapapasok natin sa mga utak at puso natin ay maaaring maging edge para mag-fall tayo into having an affair with someone.
7. SURROUND YOUR SELF WITH THE RIGHT PEOPLE
Totoo parin yung kasabihang ‘Tell me who your friends are and I will tell you who you are’. Siguraduhin natin na napapalibutan tayo ng mga couple friends natin na thriving ang marriage. Hindi yung nalaman ng may namumuong bawal na relasyon, makiki-kilig pa. Ito yung mga tao na bubuhusan ka ng mainit na tubig kung kinakailangan, magising ka lang. Mga taong, tutulungan kang maging tapat sa asawa mo.
8. ENOUGH OF ‘ME’
Wag mo ikumpara ang asawa mo kung kani-kanino. Wag mo sya hanapan na bakit di sya ganito, bakit di sya ganun. Ang hanapan natin yung sarili natin. Tama na yung:
- How can you fulfill ME?
- How can you serve ME?
- How can you satisfy ME?
- How can I benefit from YOU?
Instead:
- How can I fulfill YOU?
- How can I serve YOU?
- How can I satisfy YOU?
- How can you benefit from ME?
Kung ito ang goal at sentiment ng bawat couple, wala ng maghahanap. Wala ng mag-cocompare. Wala ng titingin at titikim ng iba.
9. MAKE GOD THE CENTER OF YOUR LIFE
Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kapag hindi si Lord ang sentro ng buhay natin, no wonder, hindi narin Siya ang center ng marriage at family natin. Kung hindi Siya ang sentro ng buhay natin, malamang yung kalaban ni Lord ang sentro o kaya tayo. Kung tayo ang sentro ng buhay natin, hindi na nakakapagtaka kung gagawin natin yung bagay that feels good to us, choices that pleases us or pleasurable sa atin. Napaka-imposible na inlove na inlove tayo kay Lord tapos marriage natin wasak. We should be intentional in loving GOD more so we can love our spouses more. If He is the center of our lives, everything else will follow.
Kung sakaling natagpuan mo yung sarili mong nahulog na sa ‘party na ayaw ating lahat’, gusto ko lang sabihin sayo na pwede ka pang kumawala. May choice ka. Hindi pangmatagalan ang kaligayahan na meron ka ngayon. Alam kong ayaw mong dumating ang isang araw na magsisisi ka at sasabihin mong sana bumalik ka. Sana lumiko ka pauwi sa tahanang sinimulan mo. O kaya sana lumiko ka sa landas na matatagpuan mo ang taong haharap sa altar kasama mo. Alam mo bang kahit gaano na ka-complicated, kagulo at kasukal ng sitwasyon mo, kayang-kaya ayusin at i-restore ni Lord ang lahat? Wala Siyang hindi kayang gawin at ayusin. Patatawarin ka Niya. Sumuko ka lang sa Kanya. Hindi ito ang buhay na pinangarap mo at lalong hindi ito yung magandang plano na hinanda ng Dios para sayo. Bumalik ka na. Habang hindi pa huli ang lahat.
Kung sakaling biktima ka naman ng ‘party na ayaw natin lahat’ gusto kong sabihin sayo na may pag-asa. Kung nasaktan ka at binigo ka ng paulit-ulit, ang Dios never kang paaasahin. Tutupad Siya sa pangako Niya. Nakikita Niya ang bawat patak ng luha mo at dinig niya ang panaghoy ng puso mo. Sa Kanya ka lumapit at kumapit. Sa Kanya ka lang umasa. Hawak ka Niya. Hawak Niya siya. Siya ang bahala. Sumuko ka lang.
Sigurado ako.
May tulong na darating.
May biyayang naghihintay.
May kapatawaran na nakaabang.
May bagong simula na bubungad.
•••••••••••••••••••••••
Para sa mas marami pang makabuluhang USAPANG MAG-ASAWA, click here:
💖https://bit.ly/ThriveInLifeShopee
Need mo ng marriage counseling?
💖 https://bit.ly/ThriveInLifeCounseling