03/09/2025
| ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ๐๐ฅ |
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Malapit nang makumpleto ang mga opisyales ng Supreme Student Government (SSG) ng Senior High School (SHS) sa ilalim ng pamumuno ni SSG President Andrea Escarez matapos i-appoint ng Commission on Elections (COMELEC) ang apat sa limang natitirang posisyon noong Agosto 20 sa kanilang page.
Matatandaan na binuksan muli ng COMELEC ang mga bakanteng posisyon noong Agosto 10 matapos ang anim sa mga ito ang hindi umabot sa kinakailangang 50% na boto upang mailuklok.
Bagamat iisa lamang na partido ang umiral at naihalal sa nagdaang eleksyon, nananatiling isang anyo ng katatagan ang pagkakaroon ng mga student-lider na piniling tumindig at kumatawan para sa masang del Rosarians. Ngunit, ipinakita ng eleksyon na ito ang hindi magandang imahe ng demokrasya na nag-uugat sa kakulangan ng partisipasyon at paninindigan ng mga nag-aasam na mamuno sa paaralan.
Mahirap tanggapin ngunit sinasalamin lamang ng nasabing kampanya at halalan kung paano natin binibigyan ng kahulugan ang salitang โpamantayanโ, Ayon sa COMELEC, kung nais maglingkod ng isang estudyante bilang student lider, kailangang aabot ng 90% ang kaniyang general weighted average habang hindi bababa sa 85% ang kaniyang indibidwal na grado sa mga asignatura, may good moral character, at hindi nasasangkot sa anumang kasong pandisiplina. Sa katunayan, ibinaba pa ng COMELEC sa 80% ang orihinal na 85% na kinakailangang grado para lang mapagbigyan ang ibang nais kumandidato na makasama sa eleksyon.
Gayunpaman, nararapat ang pamantayang ito para masiguradong may sapat na disiplina ang bawat nagnanais kumandidato. Dahil dito, maraming potensiyal na lider ang natatabunanโhindi dahil kulang sila sa kakayahang mamuno, kundi dahil hindi nila kayang punan ang kinakailangang grado upang makahabol. Sa kabila nito, ang kinahinatnan ng pagkakaroon ng iisang partido ay hindi kasalanan ng mga kumandidato dahil sila lamang ang nakapasok sa pinakamababang grade requirement.
Simpleng lohika sa pamantayan: tayo ay humanap ng magaling na lider. Ibig sabihin, kalakip ng pagiging isang lider-estudyante ang pagiging responsableng mag-aaral muna bago umako ng obligasyong mamuno sa mga kapwa mag-aaral. Isang kabalintunaan sa isang pinuno ang hindi nya naipapakita ang disiplinang akademiko at mabuting asal sa loob pa lamang ng silid-aralan.
Mula sa diwa ng demokrasya, hindi dapat natin maging kultura ang kawalan ng pagpipilian. Bagkus, ang sistema ng halalan kung saan iisang kandidato o partido lamang ang humahabol ay hindi dapat natin hayaang umiral sapagkat nililimitahan nito ang karapatan ng mga botante na pumili at magpahayag ng kanilang tunay na paninindigan.
Sa kabila nito, malinaw pa ring ipinakita at ginamit ng mga botanteng del Rosarian ang kanilang karapatan at tungkulin na maghalal. Ayon sa voter turnout nitong nagdaang halalan, halos lahat ay nakaboto, ngunit may iilan nga lamang sa ILAW partylist ang hindi naging swak sa panlasa ng nakararami para iboto ng mga estudyanteโisang bagay na hindi dapat isisi sa mga botante na nagsusuri.
Kung titingnan natin, sa higit kumulang na 500 na estudyante ng SHS, labing-isa lamang ang naglakas ng loob na maging parte ng halalan. Nasaan na ang ibang mga del Rosarians sa mikro-politikal na aspeto ng paaralan natin? Nagtatago nga lang ba, walang pakialam, o sadyang mababa lamang ang pagtingin nila sa konsepto ng eleksyonโ katulad ng lipunan nating naghahalal ng mga tao sa gobyerno dahil wala na silang pagpipilian?
Nakababahala na sa loob ng apat na magkasunod na taon, nananatiling iisang partido lamang ang tumatakbo sa halalan ng senior high school department. Tila nahirati na tayo sa elektoral na kulturang hindi tayo nagsasala ng mga personalidad dahil sa kawalan ng politikal na partisipasyon at pagnanais mula sa mga posibleng lider-del Rosarian. Tandaan natin na mahalaga sa pamumuno ang koneksyon. Sa ganitong gawain tulad ng paghalal ng mga lider, pinahihina ng mga one-party system na eleksyon ang ugnayan ng mga partido sa kanilang mga nasasakupan.
Pinipili ng mga botante ang mga lider na pasok sa kanilang ideyalismo, paniniwala, at mga hangarin. Sa halip na maging tunay na tagapagsalita ng nakararami, ang nag-iisang kandidato ay nagiging simbolo ng sistemang pormalidad na lamang ang halalan. Kasabay nito, ang pagkakaroon ng iisang partido ay naglilimita sa palitan ng ideya at plataporma na isang pundasyon ng makabuluhang eleksiyon. Dahil dito, unti-unting nawawalan ng interes ang mga estudyante na makilahok sa proseso, sapagkat pakiramdam nilaโy wala silang tunay na pagpipilian.
Ayon sa isang artikulo ng Tinig ng Plaridel, ang opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman College of Mass Communication, noong 2023, ilang yunit ng UP System gaya ng UP Los Banos, UP Manila, at UP Open University ang nakaranas ng dose-dosenang posisyong hindi napunan sa mga student council na sumasalamin sa kawalan ng sapat na pagpipilian para sa mga botante. Dahil sa sitwasyong ito, maraming estudyante ang hindi na nakikilahok sa eleksyon sapagkat hindi nila nakikita ang halaga ng pagboto kung wala namang pagpipilian.
Dagdag pa rito, malaking pagkaantala sa pagsisimula ng pamumuno ang pagpunan sa mga posisyon dahil kinakailangan ng isa pang halalan. Sa kasaysayan ng TRC-SHS mula taong 2022 hanggang 2024, pwersadong nagsagawa ng ikalawang halalan ang COMELEC na nagiging isang malaking abala sa iskedyul ng mga g**o at mag-aaral. Kinakailangan ang muling halalan upang matiyak na mapupunan ang lahat ng posisyon at nang tunay na masalamin ng mga kinatawan ang kagustuhan ng nakararami. Bagamaโt mahalaga ang prosesong ito, katumbas nito ang pagaa-aksaya ng mga kagamitan tulad ng papel, oras, at pagod na maaari sanang magamit sa ibang mahahalagang gawain ng paaralan.
Higit sa lahat, ang oras na sanaโy inilalaan na ng mga naluklok sa paghahanda ng mga gawain at programa para sa kanilang mga nasasakupan ay nasasayang lamang sa paghihintay. Sa buong buwan ng Agosto, noong huling linggo pa lamang nito naisagawa ng SSG ang kanilang unang pagpupulong
Hindi tinatanggal ng COMELEC at ng paaralan ang karapatan ng isang aplikante na humabol para sa pamumuno. Subalit kung makakasanayan natin na wala tayong pagpapahalaga sa pamantayan at patuloy isasagawa ang mga halalang hindi nag-uudyok ng matalinong pagpili, wala tayong pinag-iba sa mga matatandang botante na nagtitiis sa matagal nang bulok na sistemang elektoral ng bansa. Hindi natin namamalayan, malaki ang epekto ng mga bagay na hindi natin napapansin. Dahil walang kalaban, maaaring maging kampante o hindi na magsikap ang mga kandidato. Maaari nilang hindi seryosohin ang plataporma o ang paglilingkod.
Oras na para magkaroon ng kultura ng bolunterismo at pakikibahagi. Gaya ng ibang mga student government sa ibang paaralan, kolehiyo, at unibersidad, buuin natin ang mga volunteer group upang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mga katuwang ang bawat miyembro ng mga opisyales ng SSG. Sa ganitong paraan, maaaring magsanay ng mga potensiyal na lider na maaaring mamuno sa mga susunod na panahon, mula sa pagbuo ng ideya at reyalistikong pagtanaw sa kung ano ang tunay na trabaho ng isang lider.
Maaari ring magsimula ng mga leadership seminar at skills training na magbibigay ng kaalaman at kumpiyansa sa mga mag-aaral na may interes ngunit nag-aatubiling lumahok. Dagdag pa rito, maaari ring maglunsad ng mga mentorship program kung saan ang mga dating opisyal ng SSG ay gagabay sa susunod na henerasyon ng mga lider. Ang ganitong mga inisyatiba ay nakatutulong hindi lamang sa paghikayat ng mga kandidato kundi pati na rin sa pagpapatibay ng masiglang partisipasyonng buong komunidad ng mga mag-aaral.
โโ
Ang eleksiyon ay daan tungo sa demokrasyaโ ngunit hindi lang isang simpleng boto at balota ang halalan. Ito ay pagkilos at kapangyarihang bumuo ng pamumuno na tunay na para sa masa. Simulan nating mga del Rosarian sa sarili nating bakuran ang matagal na hiling ng mga Pilipino sa sarili nating bansa: ang pagkakaroon ng halalang may mataas na pagtingin sa pamantayan, ang pagtindig sa matalinong pagboto, at ang pagsilang ng mga lider at partido na mayroong tunay na malasakit at pagpapahalaga sa kanyang pinagsisilbihan.
โ๏ธ: Jen Raine Estrella