
23/09/2025
Kinumpiska ng kapulisan ang mga hawak na placard ng mga kabataang nagtangkang magsagawa ng protesta kahapon sa Plaza Mayor sa gitna ng masamang panahon.
Anang opisyal na kumausap sa isang grupo ng mga kabataan, maaari lamang silang mag-rally kung mayroon silang permit.
Kabilang sa mga grupong namataan sa plaza ang Young BEAN, Youth for Nationalism and Democracy-Bataan, at Alterpol Youth.
Nitong Linggo, naglabas ng imbitasyon ang Kabataang Bataeño Laban sa Korupsyon (KBLK) upang tipunin ang mga kabataan sa isang 'peaceful protest' sa sentro ng lungsod, ngunit isang oras bago ang itinakdang pagtitipon ay nag-anunsyo ang grupo ng pagbabago sa programa dahil umano sa masungit na panahon.
"Due to unfavorable weather conditions, the planned activity will be adjusted. Instead of a rally, the youth will hold a symbolic and peaceful movement against corruption. This will be marked by the tying of white ribbons around the vicinity—a gesture of unity and a collective call for integrity in governance," payahag ng KBLK.
Wala pang pahayag ang grupo ukol sa susunod na hakbang nito.
via Louisse Aguirre, ANG BAYANI