
25/07/2025
๐๐ข๐๐จ๐ | ROUND 1: May tama o may tatama?
Katatapos lamang ng salpukan nina Pacquiao at Barrios โ isang sagupaan ng disiplina, paninindigan, at dangal. Ngunit bago pa man tuluyang humupa ang hiyawan ng sambayanan, sumiklab agad ang isang panibagong banggaan.
Hindi sa ring ng palakasan. Hindi para sa dangal ng bayan. Kundi isang alitang bunga ng ambisyon at ngitngit.
Sa gitna ng operasyon kontra droga sa Lungsod ng Davao, si Alkalde Sebastian โBasteโ Duterte ay naghain ng tahasang hamon ng suntukan kay PNP NCR Director Nicolas Torre III โ at buong yabang itong tinanggap.
Hindi ito biro. Hindi ito palabas.
At lalong hindi ito karapat-dapat.
Dalawang lingkod-bayan. Isang hamong wala ni katiting na kabutihang-asal.
Sa ating lipunan, ang tapang ay kadalasang kinikilalang birtud. Ngunit kung ang tapang ay ginagawang kasangkapan sa pang-aaway at paghihiganti, ito ay hindi kabayanihan โ itoโy kahangalan.
Ang mga katagang โHindi ako umaatras sa laban,โ ay nawawalan ng saysay kapag ginagamit upang itaguyod ang personal na pagmamataas, hindi ang kapakanan ng sambayanan. Isa itong malinaw na patunay ng isang kulturang mas inuuna ang paghahambog kaysa paglilingkod.
Hindi lahat ng galit ay makatwiran.
Hindi lahat ng mapusok ay dapat tularan.
At higit sa lahat, hindi bawat kamao ay karapat-dapat igalang.
Habang ang karaniwang mamamayan ay nagsusumikap kumain ng tatlong ulit sa isang araw, ang mga pinuno ay abala sa paligsahan ng pagkamakasarili at kayabangan. Sa halip na unahin ang paglilingkod, inuuna ang pagmamataas. Sa halip na magsilbing liwanag, sila'y nagiging anino ng kaguluhan.
Nakapanlulumong isipin na ang mga itinalagang tagapaglingkod ay mas kilala sa paaway kaysa sa pakikiisa, at ang mga dapat na naghahandog ng kapayapaan ay nakikiayon sa diwa ng kaguluhan. Hindi sila huwaran, silaโy paalala.
Paalalang ang pamahalaan ay hindi larangan ng patutsadahan, kundi tahanan ng tunay na pagmamalasakit.
Ang lider ay dapat tagapamayapa, hindi tagataya ng gulo. Ang posisyon ay hindi tropeo ng lakas, kundi tungkuling dapat gampanan nang may kababaang-loob. Ang tapang ay sinusukat sa husay magtimpi at matalinong pagdedesiyon, hindi sa bigat ng suntok.
Ang tunay na pinuno ay hindi nangingibabaw dahil sa yabang, kundi dahil sa dangal, talino, at puso.
Sa totoo lang, wala sa rambulan ang kasagutan.
At lalong hindi dapat maging kalaban ang kapwa lingkod-bayan.
Sa oras na ang mga pinuno ay mas pinahahalagahan ang kapalaluan kaysa prinsipyo, ang tunay na talunan ay ang taumbayan.
Kaya bago tayo humanga sa sinumang may tapangโitanong natin,
May tatama baโฆ o baka naman may tama lang talaga?