03/09/2026
๐๐-๐ง๐๐ | ๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฏ๐ถ๐น๐๐ฎ
โ๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฃ๐ข โ๐บ๐ข๐ฏ, ๐ฃ๐ณ๐ฐ๐ธ๐ฏ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ.โ
Mga salitang tila naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.
Sa kasalukuyang panahon, danas ng maraming Pilipino ang paulit-ulit na pagkawala ng kuryente, isang pangyayaring nagiging dahilan ng pagkabagot, pagkainis, at pagkaramdam ng matinding init sa kani-kanilang mga tahanan.
Marahil, ikaw ay isa rin sa nakakaranas nito, linggo-linggo, araw-araw, o oras-oras man. Ramdam natin ito palagi. Hindi naman kasi maitatangging nakakainis ito, at sino ba naman ang hindi magrereklamo?
Ngunit sa kabilang banda, alam mo ba ang dahilan nito?
Kapag biglang namatay ang ilaw, madali nating isipin na parang may isang taong basta na lamang pumindot ng switch at pinatay ang kuryente sa buong lugar.
Ngunit ang totoo, mas komplikado kaysa rito ang mundong nasa likod ng nito.
Ang kuryenteng ginagamit natin ay dumadaan sa isang malawak na electrical grid (isang sistemang binubuo ng mga power plant, transmission line, substation, transformer, at distribution line). Kailangang magkakaugnay at gumagana ang mga bahaging ito upang makarating ang enerhiya mula sa pinanggagalingan nito hanggang sa ating mga tahanan.
At higit sa lahat, kailangang manatiling balanse ang supply at demand ng kuryente.
Mas malakas na konsumo kaysa sa suplay
isipin nating ang electrical grid ay parang isang malaking timbangan.
Sa isang panig ay ang supply, ang dami ng kuryenteng kayang likhain at ihatid ng mga power plant. Sa kabilang panig naman ay ang demand, ang dami ng kuryenteng ginagamit ng mga tahanan, paaralan, ospital, negosyo, at industriya.
Kapag biglang tumaas ang demand habang limitado naman ang supply, nahihirapang panatilihin ng grid ang balanse nito.
Lalong nagiging kapansin-pansin ito sa panahon ng matinding init. Habang tumataas ang temperatura, mas maraming tao ang gumagamit ng air conditioner, electric fan, refrigerator, at iba pang appliances upang makayanan ang init.
Sa isang iglap, libo-libong kagamitan ang sabay-sabay na humihingi ng enerhiya.
At kapag hindi na sapat ang available na suplay maaaring magsagawa ng load shedding o pansamantalang pagbabawas ng load sa ilang bahagi ng grid upang maiwasan ang mas malawak na problema.
Sa madaling salita, minsan ay kailangang patayin ang ilaw sa ilang lugar upang hindi tuluyang mamatay ang ilaw sa mas malaking bahagi ng sistema.
Kapag ang grid ay nagsabing โTama na.โ
Ngunit hindi lahat ng brownout ay dahil sa kakulangan ng supply.
Minsan, mismong electrical system ang nagiging dahilan.
May mga kagamitang nagsisilbing tagabantay ng grid, mga circuit breaker at protective device na tumutukoy kapag may abnormal na daloy ng kuryente, short circuit, o iba pang electrical fault.
Kapag may nakitang panganib, awtomatikong maaaring putulin ng mga ito ang daloy ng kuryente sa apektadong bahagi.
Maaaring nakakainis ang biglaang pagkawala ng ilaw, ngunit may dahilan kung bakit ito nangyayari.
Mas mabuting mawalan muna ng kuryente ang isang bahagi kaysa hayaang lumala ang problema at makapinsala sa mas maraming kagamitan o bahagi ng grid.
Sa ganitong paraan, ang brownout ay hindi lamang pagkabigo ng sistema.
Minsan, isa rin itong paraan ng sistema upang protektahan ang sarili.
Kung minsan kalikasan na ang nagbabanta
Hindi rin maikakaila ang papel ng kalikasan.
Sa bansang madalas makaranas ng bagyo, ang malalakas na hangin, kidlat, baha, at pagguho o pagbagsak ng mga puno ay maaaring makapinsala sa mga poste, transformer, at power line.
Isang puno lamang na bumagsak sa linya ng kuryente ay maaaring magdulot ng pagkawala ng supply sa isang komunidad.
Isang kidlat lamang ang maaaring mag-trigger ng protective equipment.
Isang bagyo lamang ang maaaring mag-iwan ng libo-libong kabahayan na naghihintay sa pagbabalik ng liwanag.
Kaya habang tayo ay naghihintay sa loob ng bahay, may mga manggagawang naghahanap ng pinagmulan ng problema, nag-iinspeksyon ng mga linya, at nagkukumpuni ng mga kagamitang nasira.
Pagkawala ng kuryenteng hindi aksidente.
Ito ang tinatawag na scheduled power interruption.
Minsan, kailangang pansamantalang patayin ang kuryente upang maisagawa ang maintenance, pagkukumpuni, pagpapalit ng lumang kagamitan, o pag-upgrade ng electrical network.
Para itong pagpapahinga at pag-aayos ng isang makinang hindi maaaring basta-bastang tumigil.
Oo, maaaring mawalan tayo ng internet. Hindi tayo makapag-charge ng cellphone. Hindi gumana ang electric fan. At tila mas mabagal ang paglipas ng oras.
Ngunit sa kabilang panig ng pagkawala ng kuryente ay isang prosesong ginagawa upang maging mas ligtas at maaasahan ang sistemang ginagamit natin araw-araw.
Kaya sa susunod na marinig natin ang pamilyar na mga linyang,
โBrownout na naman.โ
Maaari nating maalala na hindi lamang ito simpleng pagkawala ng ilaw.
Sa bawat pagpatay ng bombilya ay may sistemang hindi tumitigil sa paggawa
Sa bawat paghinto ng electric fan ay may grid na patuloy na binabantayan.
Sa bawat poste at linya ng kuryente ay may teknolohiyang kailangang gumana.
Dahil ang brownout ay produkto ng siyensya, teknolohiya, imprastraktura, at libo-libong prosesong nangyayari na hindi natin nakikita.
Kaya marahil, sa susunod na bumalot sa atin ang dilim, maaari nating itanong hindi lamang ang mga salitang,
โ๐๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฃ๐ณ๐ฐ๐ธ๐ฏ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ?โ
Kundi,
โ๐๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐บ๐ข๐ณ๐ช ๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ญ๐ช๐ฎ?โ
Sapagkat minsan, kailangan muna nating mawalan ng liwanag upang makita kung gaano kakomplikado ang sistemang nagbibigay nito.
Sa huli, ang brownout ay hindi basta pagkawala ng kuryente. Maaari itong dulot ng kakulangan sa suplay, biglaang pagtaas ng demand, pagkasira ng kagamitan, problema sa transmission at distribution lines, masamang panahon, o planadong maintenance. Bawat dahilan ay nagpapakita kung gaano kakomplikado at kahalaga ang sistemang patuloy na naghahatid ng kuryente sa ating mga tahanan.
Ngunit hindi lamang mga power plant at electric utility ang may pananagutan sa pagpapanatili ng sapat na suplay. May bahagi rin tayo rito.
Magsimula tayo sa simpleng paraan, patayin ang mga ilaw at appliances na hindi ginagamit, iwasan ang labis na pagkonsumo ng kuryente, at maging mapanuri sa ating paggamit ng enerhiya. Higit sa lahat, maging mulat tayo sa mga isyung nakaaapekto sa ating electricity supply at suportahan ang mga hakbang tungo sa mas maaasahan at sustainable na enerhiya.
Sapagkat ang kuryente ay hindi lamang ilaw na bumubuhay sa ating mga tahanan. Ito ay enerhiyang nagpapaandar sa ating mga paaralan, ospital, negosyo, komunikasyon, at mismong pamumuhay.
Kaya sa susunod na dumilim ang paligid, huwag lamang hintayin ang pagbabalik ng liwanag.
Maging bahagi tayo ng solusyon, magtipid, maging responsable, at kumilos para sa isang kinabukasang may patutunguhan. | ๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฆ๐ด๐ด๐ฆ๐ต๐ฉ ๐๐ข๐ถ๐ฏ ๐๐ฆ๐ณ๐ญ๐ข๐ด
๐๐ฅ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ฆ๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ช๐ด๐ด๐ฆ๐ฏ ๐๐ข๐ฏ๐ฐ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฐ