12/08/2023
SANA MAY VISITING HOURS SA LANGIT
BASAHIN: Hindi na napigilan ni Jayr ang kanyang mga luha habang hawak hawak ang kamay ng kanyang asawa sa duyan habang kumakanta.
Nobyembre 28, 2021, nang mawala si Kimberly, tatlong buwan lamang pagkatapos niya ipanganak ang kanilang anak.
“Sabi mo na bago ka bumigay at kung aabot ka pa sa January, paghahandan mo ako ng lechon sa birthday ko. Wow ka talaga. Kahit hirap na, nag-iisip ka pa rin ng special para sa akin”
“Kahit na kunting oras lang tayong nagsama sa mundo, certainly you’re my soulmate.” mensahe ni Jayr.
Hiniling ni Jayr na magkaroon ng "visiting hours" ang langit para makausap niya ang kanyang asawa kahit isang beses sa isang linggo.
“Nahihirapan ako sa nararamdaman ko ngayon, miss na miss na kita. Sana may oras ng pagbisita ang langit. Kahit minsan sa isang linggo ay nakakayakap at nakakausap kita,” malungkot na tanong ni Jayr.
Mahirap man, pinili ni Jayr na magpatuloy para sa kanyang anak at kay Kimberly.
| Jayr Atablanco via Davao Secret Blog