04/07/2024
Sa lahat ng magulang na may anak nakatulad ng sitwasyon ng sa anak ko alam kung hindi madali.
Alam ko gaya ko ,Marami rin kayong
mga katanungan na hinding hindi matuldukan.
Mga Gabi na lumuluha.
Mga pagkakataon na halos mabaliw kana sa kakaisip sa future ng iyong anak .
Mga sigundong wala kang ibang iniisip kundi paano mo sila matutulungan.
Mga panaho na wala kang ibang sinisisi kundi sarili mo na bakit sila nasa sitwasyon na ito.
Mga araw na walang ibang iniintindi kundi ang kanilang mga kilangan.
Alam ko dumating din kayo sa punto na masaya pag kaharap ang ibang tao pero durog pag Ikaw na lang mag isa.
Alam ko dumating din kayo sa puntong nakalimutan na nating maging tao ,maging masaya ng walang iniindang problema.
Depression at anxiety ang bumabalot sa ating pag katao.
Alam ko Yung feeling na kahit na anong gawin mo at sabihin mo ,Hindi ka nila maiintindahan dahil Wala sila sa sitwasyon mo.
Na kahit anong paliwanag mo ,iba ang pag kakaintindi nila ,iba ang explanation nila dahil Wala silang alam sa kung ano ang pinagdaraanan mo.
If feeling mo na mag isa ka ,relax ka take your time mag dasal ka .
Dahil sa mundong kung saan madaming mapanghusga,may nag iisa na kakampi natin na hindi tayo pababayaan .
Ang Panginoon 🙏☝️
Naniniwala siya sa ating kakayahan kaya tayo ang napili niya na maging magulang ng ang mga anak ngayon.
Kasi alam niya na kaya nating mahalin at alagaan ang mga anak natin
Kaya mga Mommy at Daddy saludo ako sa inyo.
Dahil kinaya ninyo at hanggang Ngayon kinakaya ninyo.
Lagi ninyong tandaan Hindi kayo nag iisa.
Marami tayong ma swerte na napili niya na mabigyan ng mapagmahal at mabait na anak at palagi ninyong tandaan hinding hindi niya tayo pababayaan.
Kaya Ikaw kung kilangan mo ng kausap wag kang mahihiya na mag message sa akin handa akong makinig at makipag kwentohan sa inyo 🥰