01/01/2026
TAHIMIK NA INILATAG NG ISANG GUSGUSING BATA ANG LIBO-LIBONG BARYA SA IBABAW NG SALAMIN NG ISANG MAMAHALING JEWELRY SHOP. AKMANG PAAALISIN NA SANA SIYA NG GUARD DAHIL "NAKAKAHIYA" SA IBANG MAYAYAMANG CUSTOMER ANG ITSURA NIYA. PERO PINIGILAN ITO NG MANAGER NANG MARINIG ANG SINABI NG BATA!
Tanghaling tapat sa loob ng Royale Jewelry & Pawnshop. Malamig ang aircon at amoy pabango ang paligid. Ang mga kustomer ay mga donya na may dalang Louis Vuitton bags at mga negosyanteng tumitingin ng Rolex.
Bumukas ang glass door. Pumasok ang 12- anyos na si Jak.
Walang tsinelas. Punit-punit ang sando. At may bitbit na isang itim na supot na mukhang mabigat na mabigat. Ang mga paa niya ay nag-iiwan ng bakas ng putik sa makintab na tiles.
Napangiwi ang nga kustomer.
Agad na sumugod ang security guard na si Manong Gado.
"Hoy bata! Bawal manlimos dito! sita ng guard. "Labas! Ang dumi-dumi mo, nadudumihan ang sahig!
Hindi kumibo si Jak. Dire-diretso siya sa counter.
" Bata, sabi nang labas eh!" Akmang hahawakan na siya ng guard sa damit.
Pero mabilis na itinaob ni Jak ang itim na supot sa ibabaw ng glass display counter.
Kling! Klang! Tsk!
Bumuhos ang bundok ng barya. Puro tig-pi-piso, singko, at dyes. Ang iba ay nangingitim na sa luma. Ang iba ay may dikit pang bubble gum.
Natigilan ang guard. Napatitig ang mga soyal na kustomer.
Lumabas mula sa opisina ang Manager na si Ms. Joe dahil sa ingay.
" Anong nangyayari dito? Bakit ang ingay? Tanong ni Ms. Joe.
"Ma'am pasensya na po, " sabi ng guard "Paaalisin ko na po itong batang hamog. Nanggugulo po eh."
"H-Hindi po ang nanggugulo..." Mahina pero matapang ng sabi ni Jak.
"Tutubusin ko po ang kwintas ni Mama," sabi ni Jak.
"Iho," malumanay na sabi ni Ms. Joe."Mataas ang tubo nito. Nasa 5,000 na ang kailangan mong bayaran. Sigurado ka bang kasya yan?"
"Opo Ma'am. 5,250 pesos po lahat yan. Binilang ko po kagabi, tatlong beses."
Nagtaka si Ms. Joe. " Saan mo nakuha ang ganitomg karaming barya?"
Yumuko si Jak at pinunasan ang sipon niya.
"Nangalakal po ako, Ma'am. Namumulot po ako ng bote, dyaryo at bakal sa kalsada. Isang taon ko po yang inipon."
Tumingin si Jak sa Manager, nangingilid ang luha.
Isinanla po kasi yan ni Mama nung nagka dengue ako nung isang taon. Wala kaming pambili ng gamot at pambayad sa ospital. Iyak po siya ng iyak nung sinanla niya yan, kasi bigay pa yan ng Lola ko sa kanya. Sabi ko po sa sarili ko, paggaling ko, ako naman ang babawi. Gusto ko po siyang sorpresahin sa Birthday niya bukas.
Natahimik ang buong shop.
Kinuha ni Ms. Joe ang item sa vault. Isang simpleng kwintas na may locket.
Tiningnan niya si Jak. Nakita niya ang sakripisyo ng isang anak na nagtitiis sa init, ulan, at dumi ng basura maibalik lang ang ngiti ng ina niya.
"Iho..." Garalgal ang boses ni Ms. Joe. " Kunin mo 'to."
Inabot niya ang kwintas.
Akmang itutulak ni Jak ang mga barya papunta sa kanya." Eto po bayad ko
"Huwag na," ngiti ng manager habanv tumutulo ng luha. "Itago mo na ang pera mo. Libre na ito.
"P-Po?!" gulag na tanong ni Jak.
"Regalo ko na ito sa Mama mo. At regalo ko na rin sa'yo dahil napakabuti mong anak."
"Gamitin mo 'tong pera para bumili nh cake at masarap na pagkain para sa birthday ng Mama mo, okay?"
Napahagulhol si Jak. "Salamat po...Maraming salamat po...
Kinabukasan, sa isang maliit na barong-barong, dahan-dahan iniabot ni Jak ang red velvet box sa kanyang Mama. Pagbukas nito, napahawak siya sa dibdib- ang kwintas. Ang kwintas na minsan niyang isinakripisyo para iligtas ang buhay ng anak niya.
"Anak... Paano mo-" hindi na natapos ang tanong. Yakap ang sagot ni Jak.
Sa gabing iyon, may simpleng cake, kandilang nauupos at hapag na puno ng tawa. Sa labas, tahimik ang mundo. Sa loob, may isang batang minsang hinusgahan, pero ngayon ay naging liwanag ng sariling tahanan.