Balayan News Today

Balayan News Today An independent news platform run by former campus journalists, committed to truth, transparency, and freedom of information.

We aim to re-engage with society, upholding integrity and providing unbiased, people-centered news.

Ayon sa mga datos na nakalap ng Balayan News Today, ang Alpha & Omega Gen. Contractor and Development Corp. na pagmamay-...
25/08/2025

Ayon sa mga datos na nakalap ng Balayan News Today, ang Alpha & Omega Gen. Contractor and Development Corp. na pagmamay-ari ng pamilyang Discaya, ay isa sa mga nakatanggap ng malaking kontrata para sa proyektong pang-flood control sa Binambang River sa bayang ito, na agad nasira makalipas lamang ang ilang taon.

Ayon sa mga naitalang datos, ang kumpanya ay nakatanggap ng halagang P88 milyon noong 2022 para sa nasabing proyekto. Subalit, sa halip na maging solusyon sa pagbaha, ang riverbank protection project ay maagang nagiba at nabigo na pigilan ang pag-apaw ng tubig sa mga karatig-barangay, partikular sa Poblacion.

Ang nasabing kumpanya ay kabilang sa 15 contractors na nakatanggap ng kabuuang P100 bilyon โ€” o 20% ng pambansang budget para sa flood control projects โ€” mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025 .

Kumpirmado sa mga dokumento ng Securities and Exchange Commission (SEC) na si Sarah Discaya ang pangulo ng Alpha & Omega, habang ang kanyang pamilya ay may-ari rin ng St. Timothy Construction Corp., na pangatlo sa listahan ng mga pinakamalaking kontratista ng gobyerno para sa proyektong pang-kontrol sa baha .

Sa isang pahayag, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na "nakababahala" ang natuklasan ukol sa pagkakaloob ng mga proyekto sa iilang kumpanya. Binanggit din niya na marami sa mga flood control projects ay "maayos na nagawa ngunit gumuho" at ang iba ay "naging guni-guni lamang".

Naglabas na ng pahayag ang koalisyon ng Mayors for Good Governance, na pinamumunuan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na nagsusulong ng transparency sa pagpapalabas ng mga dokumento ukol sa mga flood control project, kabilang ang Program of Work, Bill of Quantities, at pangalan ng mga kontratista.

Hanggang sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga Discaya ukol sa mga paratang ng korapsyon at sub-standard na mga proyekto.

Sources:

sumbongsapangulo.ph

https://newsinfo.inquirer.net/2094218/vico-sotto-discayas-own-2-of-top-15-firms-in-govt-flood-control-deals

https://www.rappler.com/philippines/top-flood-control-contractors-mentioned-marcos-links-politicians-zaldy-co-discaya/

๐—ฆ๐—ฎ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐˜€, ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNarito ang oras at lugar ng botohan:โฐ 5:00AM - 7:00AM - ๐—˜๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐˜†...
11/05/2025

๐—ฆ๐—ฎ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐˜€, ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Narito ang oras at lugar ng botohan:

โฐ 5:00AM - 7:00AM - ๐—˜๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐˜† ๐—ฉ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€ eksklusibo sa mga Senior Citizen, Persons with Disability (PWD) at Buntis na botante. Maaari pa rin silang bumoto hanggang 7:00PM.

โฐ 7:00AM - 7:00PM - ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฉ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€ para sa lahat.

Alamin kung saan ka boboto gamit ang Precinct Finder: https://precinctfinder.comelec.gov.ph/ ๐Ÿ”

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa official website: https://comelec.gov.ph/?r=2025NLE ๐ŸŒ



07/05/2025

Everyone is entitled to his own opinion,
but not his own facts.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ? ๐„๐‘๐Œ๐ˆ๐“๐€ ๐•๐’. ๐…๐‘๐Ž๐๐ƒ๐€ ๐€๐“ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐ˆ๐“ ๐๐Ÿ”๐Ÿ๐Ÿ– ๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐”๐“๐€๐๐† ๐๐† ๐๐€๐‹๐€๐˜๐€๐Tampok ngayon sa Balayan ang isa...
07/05/2025

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ? ๐„๐‘๐Œ๐ˆ๐“๐€ ๐•๐’. ๐…๐‘๐Ž๐๐ƒ๐€ ๐€๐“ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐ˆ๐“ ๐๐Ÿ”๐Ÿ๐Ÿ– ๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐”๐“๐€๐๐† ๐๐† ๐๐€๐‹๐€๐˜๐€๐

Tampok ngayon sa Balayan ang isang makasaysayang laban: ang unang pagkakataon na magiging babae na Mayor sa Bayan.

Ngunit higit pa sa kasarian ng kandidato, ang tunay na labanan sa 2025 elections ay ang pagpili ng mga Balayeรฑo sa pagitan ng pagpapatuloy sa nakagisnang dinastiya o ng pagbabago sa pamamagitan ng bagong mukha.

Sa gitna ng hamon sa pananalapi, kawalan ng transparency, at pangangailangan ng progreso, ang desisyon ng bayan ay magiging hudyat ng kanilang kinabukasan.

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜€
Si Leslee Ellao-Fronda, asawa ng kasalukuyang alkalde na si JR Fronda, ang simbolo ng pagpapatuloy o status quo.

Itinutulak ng kanyang mga tagasuporta ang kanyang pagiging "lehitimong taga-Balayan" โ€” ipinanganak at lumaki sa Brgy. Langgangan at laging nakalakip sa tabi ng asawa sa kabila ng mga kontrobersiya, kabilang ang akusasyon ng panggagahasa sa isang menor de edad noong 2016 na kalaunan ay nadismiss.

Subalit ayon sa mga kritiko, sa kabila ng pagmamalaki sa kanyang "pagka-tunay na Balayeรฑo," kulang ang kanyang plataporma.

Limitado ang kanyang mensahe sa pagpapakilalang magiging "Ina ng Balayan," at ipagpapatuloy ang nasimulan. Masyadong pinanindigan ang pagiging INA dahil tila puro motherhood statement lamang ito na walang kongkretong plano para sa pag-unlad o paglutas sa malaking utang ng bayan.

Ano nga ba ang halaga ng pagiging "taga-Balayan" kung ang pamamahala ay mananatiling bulag sa P618 milyong utang ng munisipyo (ayon sa COA 2023), na halos doble ng taunang kita na P445 milyon lamang?

Ang tanong ng mga kritiko: Sapat na ba ang pagiging "ina" upang ayusin ang bulok na ekonomiya at mabagal na serbisyo?

๐’๐ข ๐‹๐ข๐ฌ๐š ๐„๐ซ๐ฆ๐ข๐ญ๐š: ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ค๐ก๐š, ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š?
Sa kabilang panig, si Lisa Ermita, na ayon sa kanyang taga-suporta ay ang mukha ng pag-asa para sa mga nagnanais ng pagbabago.

Suportado ito ng Balliance โ€” isang grupo ng mga Barangay Chairman na kritikal sa administrasyong Fronda โ€” naniniwala silang siya ang kayang magbangon ng Balayan gamit ang kanyang koneksyon at kaalaman sa pamamahala.

Ayon sa kanila, bagamat hindi "lumaki sa-Balayan" ay nasa dugo, dala niya ang karanasan bilang right hand ng dating Executive Secretary Eduardo Ermita.

Anila, naglatag ito ng kongkretong platapormang L.I.S.A.: Livelihood at Trabaho, Infrastructure, Transparent Governance, at Social Services.

Subalit ayon sa kanyang mga kritiko, kailangan ang Mayor ay laging nasa Balayan. Ipinupukol sa kanya ang kanyang hindi pamamalagi sa Balayan, at sa pagkatalo noong 2022 laban sa bayaw na si Eric Buhain.

Ngunit sa harap ng krisis, mas mahalaga kaya ang kinalakihang lugar kaysa plataporma?

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป: ๐—ฃ๐Ÿฒ๐Ÿญ๐Ÿด ๐— ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป

Anuman ang maging resulta, ang susunod na alkalde ay haharap sa isang malaking problema: ang ๐—ฃ๐Ÿฒ๐Ÿญ๐Ÿด ๐— ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด na iiwan ng mga Fronda

Kung si Fronda ang manalo, mauuwi kaya ito sa mas malalang krisis dahil sa kawalan ng malinaw na plano?

Kung si Ermita naman, makakayanan kaya niyang magtipid at humanap ng paraan para makabangon ang bayan?

Higit pa rito, ang eleksiyong ito ay pagsubok sa demokrasya ng Balayan: ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ž๐™œ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™ค๐™™๐™š๐™ง ๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฎ๐™–, ๐™ค ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ?

๐’๐š ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐žรฑ๐จ ๐š๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
Sa huli, ang pagpili sa pagitan nina Fronda at Ermita ay pagpapasya kung nais ng Balayan ang dinastiyang pamilyar o ang pagtaya sa pikit-matang pagbabago.

Hindi sapat ang pagboto batay sa apelyido o slogan.
Kailangang tanungin: ๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฎ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ช๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ, ๐™ข๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™—๐™–๐™๐™ค, ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™จ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™ฎ๐™ค?

Sa unang pagkakataon, babae ang mamumuno sa Balayan. Ngunit ang tunay na tagumpay ay hindi lamang kasarian kundi ang kakayahang ipakitang karapat-dapat ang isang lider โ€” babae man o lalaki โ€” sa paggabay sa bayan tungo sa liwanag.

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐ฌ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐๐š๐š๐ง. ๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ž๐ฆ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐š๐ฅ, ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข.

-kci
Editorial/ Opinion
2025
***Pilot Editorial.

Address

Balayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balayan News Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share