19/07/2025
GANITO MAGPATAWAD ANG DIOS
AT MAGHUKOM SA MGA TAO
************
Mateo 18:23
Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad
sa isang hari, na nagibig na
makipagusap sa kaniyang mga alipin.
Mateo 18:24
At nang siya'y magpasimulang
makipaghusay, ay iniharap sa kaniya
ang isa sa kaniya'y may utang na
sangpung libong talento.
Mateo 18:25
Datapuwa't palibhasa'y wala siyang
sukat ibayad, ipinagutos ng kaniyang
panginoon na siya'y ipagbili, at ang
kaniyang asawa't mga anak, at ang
lahat niyang tinatangkilik, at
nang makabayad.
Mateo 18:26
Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa
at sumamba sa kaniya, na nagsasabi,
Panginoon, pagtiisan mo ako, at
pagbabayaran ko sa iyong lahat.
Mateo 18:27
At sa habag ng panginoon sa aliping
yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad
sa kaniya ang utang.
Mateo 18:28
Datapuwa't lumabas ang aliping yaon,
at nasumpungan ang isa sa mga
kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y
may utang na isang daang denario:
at kaniyang hinawakan siya, at sinakal
niya, na sinasabi, Bayaran mo
ang utang mo.
Mateo 18:29
Kaya't nagpatirapa ang kaniyang
kapuwa alipin at namanhik sa kaniya,
na nagsasabi, Pagtiisan mo ako,
at ikaw ay pagbabayaran ko.
Mateo 18:30
At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y
ipinabilanggo hanggang sa magbayad
siya ng utang.
Mateo 18:31
Nang makita nga ng kaniyang mga
kapuwa alipin ang nangyari, ay
nangamanglaw silang lubha, at
nagsiparoon at isinaysay sa kanilang
panginoon ang lahat ng nangyari.
Mateo 18:32
Nang magkagayo'y pinalapit siya ng
kaniyang panginoon, at sa kaniya'y
sinabi, Ikaw na aliping masama,
ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng
utang na yaon, sapagka't ipinamanhik
mo sa akin:
Mateo 18:33
Hindi baga dapat na ikaw naman ay
mahabag sa iyong kapuwa alipin, na
gaya ko namang nahabag sa iyo?
Mateo 18:34
At nagalit ang kaniyang panginoon, at
ibinigay siya sa mga tagapagpahirap,
hanggang sa siya'y magbayad ng
lahat ng utang.
Mateo 18:35
Gayon din naman ang gagawin sa
inyo ng aking Ama na nasa kalangitan,
kung hindi ninyo patatawarin sa
inyong mga puso, ng bawa't isa
ang kaniyang kapatid.
************
Kaya nga, kung ano ang mga ginagawa
natin sa ating kapwa ay higit pa ang
ihahatol sa atin ng Dios.
Wika nga sa Evangelio ay kung ano
ang ginagawa mo sa mga maliliit
na ito ay iyong ginagawa sa akin.
Ngunit, kung ating ipagpapatawad ang
mga nagawang masama ng kapwa
natin sa atin, ay Kaniya ding
ipagpapatawad sa ating mga
kasalanan.
Ang pagpapatawad ay lagi mong
maiisip, dahil ito ay nakasama sa
ating panalangin na itinuro ng
Panginoong Jesus.
Ito ay makikita o mauunawaan mo
sa huling salita ng ating panalangin.
Lucas 11:4
At ipatawad mo sa amin ang aming
mga kasalanan; sapagka't aming
pinatawad naman ang bawa't may
utang sa amin. At huwag mo
kaming ihatid sa tukso.
Mateo 6:12
At ipatawad mo sa amin ang aming
mga utang, gaya naman namin
na nagpatawad sa mga may utang
sa amin.
************
Ito ang mga talata na kung ano
ang gagawin mo sa kapwa mo ay
may gantipala sa Dios.
Mateo 10:42
At sinomang magpainom sa isa
sa maliliit na ito ng kahit isang sarong
tubig na malamig, dahil sa pangalang
alagad, katotohanang sinasabi ko
sa inyo na hindi mawawala ang
ganti sa kaniya.
Mateo 25:45
Kung magkagayo'y sila'y sasagutin
niya, na sasabihin, Katotohanang
sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi
ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay
hindi ninyo ginawa sa akin.
************
Ang mga nagawa natin sa ating kapwa
ay nakalagda sa ating puso at isip
at ito ay ating isusulit. sa harap ng Dios.
Ito ay hindi natin maitatanggi,
dahil, batid ng puso at isip mo ang
mga binabalak mo , maging mabuti
o maging masama man ito.
Pahayag 20:12
At nakita ko ang mga patay, malalaki
at maliliit, na nangakatayo sa harapan
ng luklukan; at nangabuksan ang mga
aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na
siyang aklat ng buhay: at ang mga
patay ay hinatulan ayon sa mga bagay
na nasusulat sa mga aklat, ayon
sa kanilang mga gawa.
Mangangaral 3:17
Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng
Dios ang matuwid at ang masama:
sapagka't may panahon doon sa
bawa't panukala at sa bawa't gawa.
Awit 44:21
Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios?
Sapagka't nalalaman niya ang
mga lihim ng puso.
Awit 28:4
Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang
gawa, at ng ayon sa kasamaan ng
kanilang mga gawain: gantihin mo
sila ng ayon sa kilos ng kanilang
mga kamay. Bayaran mo sila ng
ukol sa kanila,
2 Paralipomeno 6:30
Dinggin mo nga sa langit na iyong
tahanang dako, at iyong ipatawad, at
gantihin mo ang bawa't tao, ng ayon sa
lahat niyang mga lakad, na ang puso
ay iyong natataho: (sapagka't ikaw, sa
makatuwid baga'y ikaw lamang, ang
nakatataho ng mga puso ng mga
anak ng mga tao;)
Jeremias 17:10
Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng
pagiisip, aking tinatarok ang mga puso,
upang magbigay sa bawa't tao ng ayon
sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga
ng kanikaniyang mga gawain.
************SIYA NAWA************