Batas at Komunidad Kasama si Atty. Patrick Angara

Batas at Komunidad Kasama si Atty. Patrick Angara Programang naglalayon na makapagbigay alam at intindi sa mga umiiral na Batas at mga Isyu ng Bayan.

25/07/2025
21/07/2025

This is the TRUTH that needs to be repeated over and over again: LAHAT ng batang nagkasala sa batas, ano man ang edad, ay may PANANAGUTAN sa Juvenile Justice Law.

Wala na tayo dapat sa debate ng edad. Ang totoong problema natin ay kung paano ipatutupad nang maayos ang batas at kung paano susuportahan ang mga programa nito gaya ng community-based intervention (para sa minor offenses) at rehabilitasyon sa Bahay Pag-Asa (para sa mga seryosong krimen at paulit-ulit na minor offenses).

Senator Robin Padilla: the age is NOT the problem, lowering the MACR (minimum age of criminal responsibility) is NOT the solution, and the law was already amended in 2013 -- an amendment that already addresses your concerns about cases where children commit serious crimes.

Children are NOT little adults. To make children as young as 10 CRIMINALLY liable means tagging them as criminals -- which they will imbibe as their identity -- and exposing them to an already broken ADULT criminal justice system, which studies have shown to make children graduate to more serious crimes instead of being reformed or rehabilitated.

Senator Padilla, the VERY ESSENCE of having a Juvenile Justice Law is to have a SEPARATE justice system for children. Because they are children.

We invite you to sit down with our social workers, child rights workers — in fact, we even have an entire Juvenile Justice and Welfare Council that monitors the implementation of the law — to learn firsthand that what we need are more social workers, more funding, and more programs, not lowering the MACR.

Senator Padilla, you of all people should know the value of redemption. You were once given one yourself as a former person deprived of liberty.

It's the same second chance that every child in conflict with the law deserves, and one that can only happen if we maintain a separate justice system for them, where the child, the victim, and the community are healed, and focus on the real solution: full and effective implementation.

Be a champion of second chances for children, not a lawmaker who will further condemn them to a negative life path.


06/06/2025
05/06/2025

Nagpasya ang na kapag ang isang Pilipino ay humiling sa korte sa Pilipinas na kilalanin ang diborsyo na ipinagkaloob sa ibang bansa, kailangan lang patunayan ang batas ng bansa kung saan nakuha ang diborsyo at hindi ang batas ng nasyonalidad ng kanyang dayuhang asawa.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, ibinalik ng Third Division ng Korte ang kaso sa Court of Appeals (CA) para bigyan ng pagkakataon ang isang Pilipina na patunayan nang maayos ang mga batas sa diborsyo ng Kentucky, United States of America (U.S.A.).

Nagpakasal ang Pilipina sa isang Peruvian sa New Jersey, U.S.A. Ang mag-asawang doktor ay tumira sa Kentucky pero kalaunan ay naghiwalay din at nakakuha ng divorce decree sa isang korte sa Kentucky.

Sa Pilipinas, nagsampa ng petisyon ang Pilipina sa Regional Trial Court (RTC) para kilalanin ang diborsyo. Bukod sa kopya ng divorce decree, nagsumite rin siya ng mga printout ng mga batas ukol sa kasal sa Kentucky at Peru.

Pinagbigyan ng RTC ang kanyang petisyon pero binaliktad ito ng CA dahil nabigo umano siyang patunayan na ang diborsyo ay sumunod sa batas ng Kentucky at pinapayagan ng batas ng Peru ang kanyang asawa na magdiborsiyo at muling magpakasal.

Pero nilinaw ng Korte Suprema na sa pagkilala ng foreign divorce, ang mahalaga ay ang batas ng bansa na nag-isyu ng divorce decree. Dahil ang divorce ay ipinagkaloob sa Kentucky, tanging ang batas sa Kentucky lang ang kailangang patunayan.

Sa ilalim ng Article 26 (2) ng Family Code, maaaring mag-asawa muli ang Pilipino kung ang banyagang asawa ay nakakuha ng divorce sa ibang bansa na nagpapahintulot sa kanya na magpakasal muli. Kailangang tiyakin ng mga korte sa Pilipinas na ang divorce ay may bisa sa ilalim ng batas ng ibang bansa.

Para patunayan ang batas sa Kentucky, kailangang magsumite ang Pilipina ng opisyal ng paglathala o di kaya’y certified copy ng batas nito.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://tinyurl.com/4jhyh8vv.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://tinyurl.com/ympmypuz.


20/05/2025

Walang nilabag na mga batas sa copyright sa pagpaparinig sa mga customer ng 20-segundong sample o preview ng ringtone bago ito bilhin, ayon sa pasya ng .

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, kinatigan ng En Banc ng Korte ang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) na isinantabi ang reklamo ng Filipino Society of Composers and Publishers (FILSCAP) laban sa Wolfpac Communications, Inc. (Wolfpac) para sa paglabag sa copyright at mga danyos.

Bumubuo ang Wolfpac ng mga mobile phone app at ipinamahagi ang mga ito sa pamamagitan ng mga kasosyong network tulad ng Smart Communications, Inc. (Smart).

Ang FILSCAP, na nangongolekta ng mga royalty para sa mga manunulat ng kanta at kompositor, ay tumutol sa isang Smart na ad sa dyaryo na nagpapahintulot sa mga customer na i-preview ang mga ringback tone online bago ito. Bilhin. Iginiit ng FILSCAP na nangangailangan ito ng lisensya at pagbabayad ng mga royalty.

Nagpasya pabor sa Wolfpac ang RTC na nagsabing ang 20-segundong ringtone preview ay hindi itinuturing bilang pampublikong pagganap o public performance. Sinabi rin nitong pinapayagan ang preview sa ilalim ng doctrine of fair use, na nagpapahintulot sa limitadong paggamit ng naka-copyright na materyal nang hindi nangangailangan ng pahintulot ng may-ari.

Sumang-ayon ang Korte sa RTC. Ayon sa Korte Suprema, may paglabag sa copyright kapag may gumagamit ng protektadong gawa nang walang pahintulot sa mga paraang labag sa karapatan ng may-ari gaya ng pagsasagawa, pagkopya, o pamamahagi nito para kumita. Pero, pinapayagan ng Intellectual Property (IP) Code ang ilang mga exception kabilang dito ang pribadong pagganap na ginawa nang libre o paggamit ng gawain para sa pagtuturo, impormasyon, kawanggawa, o mga layuning pangrelihiyon.

Wala ring paglabag sa copyright kung ang paggamit ay alinsunod sa patas na paggamit o fair use.

Sa kasong ito, bagama’t hindi sakop ng kasunduan ni Wolfpac sa mga kompositor ang paggamit ng mga sample ng kanta para sa mga preview, walang paglabag sa copyright dahil maituturing ang mga preview bilang fair use.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://tinyurl.com/2fj325s3.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://tinyurl.com/yepu9knx.

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://tinyurl.com/4ssdecbf.

Basahin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://tinyurl.com/mryxtbs8.

Basahin ang Concurrence and Dissent ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa https://tinyurl.com/35a934ac.

Basahin ang Concurring and Dissenting Opinion ni Associate Justice Rodil V. Zalameda sa https://tinyurl.com/4ewhewft.

Basahin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Japar B. Dimaampao sa https://tinyurl.com/2a4vey4y.

Basahin ang Concurring and Dissenting Opinion ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh sa https://tinyurl.com/5ffnm7wj.


10/04/2025

Kinatigan ng ang hatol na habambuhay na pagkakakulong sa isang lalaki dahil sa trafficking ng tatlong menor de edad na pinagtrabaho bilang kasambahay sa malalayong lugar nang walang sweldo.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, pinagtibay ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang guilty na hatol kay Joemarie Ubanon (Ubanon) para sa qualified human trafficking sa ilalim ng Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Pinagmumulta rin si Ubanon ng PHP 2 milyon at inutusang bayaran ang bawat biktimang menor de edad ng PHP 600,000 bilang danyos.

Noong 2014, inalok ni Ubanon ang dalawang 14-anyos at isang 15-anyos sa Bukidnon ng trabaho bilang tagapagbalat ng sibuyas at pinangakuang sasahod ang mga ito ng PHP 2,500 kada buwan. Sa kabila ng tugon ng mga menor de edad na kailangan muna nilang magpaalam sa kanilang mga magulang, iginiit ni Ubanon na naghihintay na ang kanilang amo at sinabihan silang sumakay ng bus.

Sinubukan ng mga biktima na bumaba mula sa bus pero pinigilan sila ng anak ni Amirah Macadatar (Macadatar), na napag-alamang amo ng asawa ni Ubanon. Ipinadala ang mga biktima sa magkakaibang bahay sa Lanao del Sur at Iligan City para magtrabaho bilang kasambahay ngunit hindi sila nakatanggap ng sweldo.

Ayon sa Korte Suprema, nangyayari ang trafficking kapag ang mga indibidwal ay ni-recruit o ibiniyahe – may pahintulot man o wala ng mga biktima – sa pamamagitan ng panlilinlang, pamimilit, o pang-aabuso sa kapangyarihan para sa mapagsamantalang layunin tulad ng prostitusyon o sapilitang paggawa.

Kapag ang mga biktima ay menor de edad, ang kaso ay nagiging qualified trafficking, na may parusang habambuhay na pagkakakulong.

Sa kasong ito, sinamantala ni Ubanon ang pagiging menor de edad ng mga biktima at pagkagipit nila sa pera, inenganyo silang tanggapin ang trabaho, at ibinyahe sila mismo sa terminal para makarating sa kanilang pagdadalhan kung saan sila ay pinakinabangan at hindi binayaran.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-affirms-life-sentence-for-trafficking-minors-into-forced-domestic-work/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/270934-people-of-the-philippines-vs-joemarie-ubanon-y-man-an-alias-jomare-francesco-alias-alex-d-bjmp-v/


10/04/2025
28/03/2025
26/03/2025

Idineklara ng Korte Suprema na hindi maaaring managot ang isang security guard sa pagdadala ng baril na walang lisensya kung may makatwirang paniniwala siya na lisensyado ang naturang baril na inisyu ng kanyang ahensiya.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, pinawalang-sala ng First Division ng ang isang guwardiya na kinasuhan ng unlawful possession of a firearm sa ilalim Republic Act No. (RA) 10591 o ang Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

Nahuli noong July 7, 2017 ang isang hindi naka-unipormeng security guard sa isang gasolinahan sa Pasay City dahil wala siyang maipakitang lisensya ng baril na dala niya.

Sa kanyang depensa, iginiit ng guwardiya na siya ay isang lisensyadong security guard. Patunay dito ang kanyang License to Exercise Security Profession (LESP) na inisyu ng Philippine National Police Civil Security Group Office. Mayroon din siyang Duty Detail Order (DDO) na nagsasaad ng kanyang assignment sa gasoline station at nagpapahintulot sa kanya na magdala ng baril na inisyu ng ahensya.

Dagdag pa nya, pinaniwala siya ng kanyang security agency na ang baril na inisyu sa kanya ay lisensiyado. Ipinaliwanag din niya na hindi niya suot ang kanyang uniporme noong gabing iyon dahil nakalimutan niya ang susi ng kanyang locker.

Bagama’t guilty ang hatol ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals, binaliktad ito ng Korte Suprema. Sinabi nito na sa ilalim ng 1983 Implementing Rules and Regulations (IRR) ng P.D. No. 1866, ang mga guwardiya ng pribadong ahensya ng seguridad ay maaaring magdala ng mga baril sa lugar ng trabaho hangga’t pinahintulutan ng isang DDO.

Sa 2018 revised na implementing rules ng RA 10591, nakalahad na ang DDO mismo ang nagbibigay ng awtoridad sa isang security personnel na magdala ng agency-issued na baril sa kanyang assignment. Ang pag-isyu ng DDO ang siyang maaaring basehan na may mga kaukulang lisensya ang mga baril na nakalista sa order na ito.

Nilinaw ng Korte Suprema na maaaring panghawakan ng mga guard ang linggwahe ng DDO na ang mga nakalistang baril dito ay mga pawang lisensyado. Hindi na nila kailangang humingi sa security agency ng patunay na rehistrado nga ang mga baril.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-security-guard-not-liable-for-illegal-possession-if-issued-firearm-is-presumed-licensed/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/261113-hilario-cosme-y-terenal-vs-people-of-the-philippines/.


24/03/2025

𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒

Ang larawan na ito ay lumalabag sa Batas Republika Blg. 8491 o ang "Flag and Heraldic Code of the Philippines. Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng pagka-Pilipino at ng ating bansa, kaya naman bigyan natin ito ng mataas na respeto.

Laging tandaan, ang panata ng bawat Pilipino ay dapat #𝐓𝐚𝐩𝐚𝐭𝐒𝐚𝐖𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐭




Address

Sitio Gabgab, Brgy. Buhangin
Baler
3200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batas at Komunidad Kasama si Atty. Patrick Angara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category