22/09/2026
PAALALA SA LAHAT 📣🐷🐖
Mahalagang Abiso para sa ating mga kanabayan! Alinsunod sa Executive Order No. 40 Series of 2026 ng Pamahalaang Bayan ng Dinalungan, Aurora, ipinatutupad ang Temporary Ban sa pagpasok ng buhay na baboy, sariwa at frozen na karne ng baboy at iba pang pork products sa Bayan ng Dinalungan bilang hakbang upang makontrol at maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
🐖 Para sa kaligtasan ng ating mga alagang baboy at kabuhayan:
✅ Huwag magpasok o magdala ng baboy at pork products mula sa mga lugar na apektado ng ASF.
✅ Makipagtulungan sa mga itinalagang checkpoint at livestock monitoring personnel.
✅ Iwasang magbiyahe o maglipat ng mga alagang baboy nang walang kaukulang pahintulot.
✅ Agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan kung may napansing pagkakasakit o biglaang pagkamatay ng mga baboy.
Ang ASF ay hindi sakit na naipapasa sa tao, ngunit maaari itong magdulot ng malaking pinsala sa industriya ng pag-aalaga ng baboy at kabuhayan ng ating mga magsasaka.
Sama-sama nating protektahan ang ating mga alagang hayop, kabuhayan at buong komunidad. 🤝🐷
Para sa ligtas, maunlad at protektadong pamayanan.