30/08/2025
Rest in Paradise Ms. Janice Sernadilla! ๐๐๐
Ito pala yung sinasabi mong retirement mo.
๐
๐ผ๐๐๐พ๐ ๐๐๐๐๐ผ๐ฟ๐๐๐๐ผ: kulay ng Bahaghari, Pamana ng Pag-ibig
May mga taong dumaraan lamang sa ating buhay, at mayroon ding nagsisilbing isang ilaw na nagbigay ng kulay at pag-asa sa komunidad.
Bilang Pangulo at isa sa mga nagtatag ng Marina LGBT, hindi lamang siya naging lider, kundi naging kaibigan, kapatid, mentor, at inspirasyon. Sa kanyang sipag, tapang, at malasakit, naitaguyod niya ang boses ng LGBT sa Baler at sa buong Aurora.
Ngayon, isang mabigat na pamamaalam na nag-iwan ng lungkot, ngunit higit sa lahat, nag-iwan ng pamana: isang komunidad na mas matatag, mas buo, at mas makulay.
Sa bawat bahaghari, sa bawat laban para sa pagkakapantay-pantay, at sa bawat ngiti ng mga taong kanyang na-inspire, nariyan si Pres. Janice. Kailanman ay hindi sya huminto para maging boses ng makulay ng komunidad. Isa syang huwaran sa lahat.
Paalam, Pres. Janice. Hindi man namin maririnig muli ang iyong tinig ngunit mananatili kang himig ng tapang at pag-ibig sa puso ng bawat isa. ๐๏ธ
Rest in Paradise, tita Janice. Maraming nagmamahal sa'yo.
Sa Ngalan po ng BUKLOD AURORA LGBTQIA++ FEDERATION๐ณ๏ธโ๐๐ต๐ญLGBT PILIPINAS INC. Kami po ay taos pusong nagluluksa at nakikiramay Maraming salamat sa magandang kwento,pagmamahal at paglilingkod bilang LGBT Member ng ating Lalawigan๐ต๐ญ๐ณ๏ธโ๐๐โค๐๐ญ