03/09/2025
September 2, 2025 | Baler, Aurora
Ang LGU Baler, sa pangunguna ng butihing Mayor Rhett Ronan T. Angara at Vice Mayor Lian Angara, sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office sa pamamatnubay ni Ms. Susana Rutaquio, ay matagumpay na inilunsad ang dalawang mahalagang programa: “Gulayan sa Barangay” at “Gulayan sa Paaralan ”, na dinaluhan ng mga Barangay Captain at mga g**o mula sa iba’t ibang paaralan
Kasama rin sa aktibidad sina MAFC Chairman Robert C. Morada, MLGOO Melody Valdez, SB Committee on Agriculture, SK Federation President Hon. Eunie May B. Fernando, Hon. Dikong Lelis, Hon. Ellah Cherryl Villacorte, at Hon. Aries Eguarge.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Rhett ang kahalagahan ng mga programang ito upang masolusyunan ang isyu ng food security at makapaglaan ng masustansyang pagkain para sa kalusugan ng mga kabataan at mamamayan ng bawat barangay. Pinangako rin niya na magiging sustainable ang mga programang ito upang magpatuloy at mas lumawak pa ang benepisyo nito sa mga susunod na taon.
Hinikayat din ni Mayor Rhett ang pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng bawat isa — mula sa mga barangay, paaralan, magulang, at komunidad — upang masig**o ang tagumpay ng mga proyektong ito. Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng paaralan, mga g**o, barangay officials, at mga katuwang na aktibong nakikibahagi para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura at kalusugan ng bawat Baleriano.