21/04/2026
it's not me vs you,
it's us vs the situation.
sa tuwing may hindi tayo
pagkakaunawaan,
bumabalik ako sa kung
paano nagsimula ang lahat.
mula sa mga tahimik na sandali,
hanggang sa unti-unti tayong naging komportable sa isa’t isa.
naalala ko nung
hindi mo pa masabi nang diretso,
kung gaano mo ako gusto.
hanggang sa dumating yung araw
na hindi na kailangan ng salita,
ramdam na lang.
kaya kapag may problema,
hindi ito tungkol sa kung sino ang tama.
hindi rin ito, ako, laban sa’yo.
tayo ‘to—
lumalaban para maayos,
hindi para manalo.