01/05/2026
Few of many things we’ve received😇
Hindi lahat ay nabibigyan at nararanasan ang mga bagay na nararanasan namin. We wanted to share it to you to inspire and not to brag!
Story time!
Ngayong araw nga ay napakadami naming natanggap na regalo 😁may mga na realize lang kami.
Mula talaga noon hanggang ikinasal at ngayong mag-asawa na kami. Lagi talaga naming pinaghahawakan ang mga Salitang “GOD WILL PROVIDE”.
Bilang Mag-asawang Missionary hindi sapat ang allowance namin para sa lahat ng pangangailangan lalo nat may pamilya kaming kailangan suportahan at mga tao sa Mission field na kailangan tulungan. Minsan dumadating sa point na pag walang-wala na kami sabi ni Hubby maghanap nalang kaya ako ng ibang trabaho. Sagot ko naman sa kanya , ginawa mo na yan ng isang beses anong nangyari. Ganun parin naman. Kulang padin naman yung kinikita mo.
Hindi naman tayo pinapapabayaan ng Panginoon! He will provide! I know!
And He always did. Sobra-sobra pa nga!
My husband and I, know each other since 2021.
Magkasama kami sa Missionary training, hanggang sa OJT and Mission Field (Hindi lang kaming dalawa ha, may mga kasama kami! Ofcourse!😂🤣) Marami kaming experience how God provided everything that we need. These are the few of many…..
Sa OJT sa Talangban,Aklan. We’ve been there for a month pero bago kami bumalik ng training campus is naligo kami sa Dagat, binilhan kami ng mga gamit at pinabaunan kaming tatlo ng tag 1500 each.
Sa Mission Field namin sa SOUTH CENTRAL ILOILO 1(SCID 1) na kung saan kami tumagal ng mahigit tatlong taon. Ay sinagot naman ang aming Kasal. As in From Church Decoration, Reception, Catering, Bouquet and Car is Free.
Ngayon naman sa bago naming Mission Field, nabiyayaan naman kami ng Dalawang Laptop, Projector at marami pang iba.
At isa sa mga pinakamalaking blessing is pag-aaralin ako.
Kaya sa inyong mga makakabasa nito, wag kayong mawalan ng pag-asa. Yes, alam ko sa hirap ng buhay ngayon nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi maganda. Pero lagi nating tatandaan, ang Panginoon ang may-ari ng lahat ng meron sa mundong ito. Hindi nya hahayaang makita tayong nagugutom o nakukulangan. Ang gawin lang natin “Kneel and Prayer” at manalig na ibibigay nya ito satin.
“"Every good gift and every perfect gift is from above, and cometh down from the Father of lights, with whom is no variableness, neither shadow of turning."
-James 1:17-
"But my God shall supply all your need according to his riches in glory by Christ Jesus."
— Philippians 4:19 ✨
Maraming salamat sa lahat ng taong ginamit ng Panginoon para maipa-experience samin lahat ng ito. Hindi man namin kayo maisa-isa, pero alam nyo kung sino kayo. At taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyo.
-asawangMisyonero