12/04/2026
PAUTANG SA MGA NEGOSYO
Inilunsad ng DTI ngayong Lunes, Abril 6, 2026, ang MSME Business Fund, isang loan program para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East.
Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Roque, maaaring umutang mula P30,000 hanggang P20 milyon, na may bayarang hanggang limang taon. May one year grace period sa principal at interest, habang hindi kailangan ng collateral sa pautang na aabot hanggang P5 milyon.
Kabilang sa mga pangunahing requirements ang government-issued ID, Mayor’s Business Permit, proof of bank account, larawan ng negosyo, at corporate documents para sa mga korporasyon. | via Francis Orcio, ABS-CBN News
https://www.facebook.com/share/v/18J68Mo3Jo/