RECAP News Channel

RECAP News Channel Headlines that matter, delivered straight to your timeline.

27/08/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£: β€œGHOST PROJECTS” SA CDO, NAGPAPARAMDAM NA?

CAGAYAN DE ORO CITY β€” Sa pagbisita ni DPWH Secretary Vince Dizon sa Cagayan de Oro, nagsagawa rin ng inspeksiyon ang kanyang pangkat sa ilang lugar kaugnay ng mga reklamong ipinaabot sa kanila.

Natuklasan nila ang ilang proyektong hindi pa rin natatapos sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Rolando β€œKlarex” Uy. Kabilang dito ang CDRRMD Building sa Barangay Carmen, Mega Health Center, at Pagatpat Public Market.

Mukhang eksperto sa taguan ang mga proyektoβ€”nasa papeles, pero mahirap makita ang resulta.

π—₯π—˜π—–π—”π—£: COMELEC, PINAIIGTING ANG VOTER EDUCATION SA BARMMPinalalawak ng Comelec ang voter education campaign sa BARMM upa...
27/08/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£: COMELEC, PINAIIGTING ANG VOTER EDUCATION SA BARMM

Pinalalawak ng Comelec ang voter education campaign sa BARMM upang ihanda ang mga botante para sa First Parliamentary Elections sa Setyembre 14. Kabilang sa itinuturo ang tamang pagboto, paggamit ng vote-counting machines, at pagkilala sa maling impormasyon.

27/08/2026

π—©π—œπ——π—˜π—’ π—ͺ𝗔𝗧𝗖𝗛: Umapaw at rumagasa ang Bhotekoshi River malapit sa hangganan ng Nepal at China. Makikita sa video ang malakas na agos ng tubig, kaya pinapayuhan ang mga residente sa kalapit na lugar na manatiling alerto at mag-ingat.

π—₯π—˜π—–π—”π—£:  DAVAO CITY, ITINUTURING UMANONG β€œEPICENTER” NG KORAPSYON SA FLOOD CONTROL β€” OMBUDSMANIginiit ni Ombudsman Boying...
26/08/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£: DAVAO CITY, ITINUTURING UMANONG β€œEPICENTER” NG KORAPSYON SA FLOOD CONTROL β€” OMBUDSMAN

Iginiit ni Ombudsman Boying Remulla na maituturing umanong β€œepicenter” ng korapsyon sa mga flood control project ang Davao City.

Ayon kay Remulla, patuloy pa nilang sinusuri ang mga ebidensya kaugnay ng isyu.

π—₯π—˜π—–π—”π—£ |  KLAREX UY: HINDI NA MAKAPAGHIHINTAY ANG MGA KAGAY-ANON, DAPAT NANG MA-IMPEACH SI VP SARAIpinahayag ni Cagayan d...
25/08/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£ | KLAREX UY: HINDI NA MAKAPAGHIHINTAY ANG MGA KAGAY-ANON, DAPAT NANG MA-IMPEACH SI VP SARA

Ipinahayag ni Cagayan de Oro City Mayor Rolando β€œKlarex” Uy na dapat nang mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment. Ayon sa kanya, hindi na makapaghihintay ang mga Kagay-anon para sa pagbabago.

Nanawagan din siya sa mamamayan na magkaisa at huwag nang suportahan ang pamilya Duterte.

Nabatid na ang anak ng alkalde ay naiulat na nasawi sa gitna ng war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

π—₯π—˜π—–π—”π—£: LACHICA, ITINALAGANG OVP SECURITY OFFICER MATAPOS ANG CONFIDENTIAL FUNDS REQUESTLumabas sa pagpapatuloy ng impeac...
25/08/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£: LACHICA, ITINALAGANG OVP SECURITY OFFICER MATAPOS ANG CONFIDENTIAL FUNDS REQUEST

Lumabas sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na noong Setyembre 16, 2022 pa itinalaga si Col. Raymund Dante Lachica bilang security officer ng OVPβ€”ilang linggo matapos isumite ang kahilingan para sa confidential funds noong Agosto 22, 2022.

Ayon kay OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, walang kalakip na physical at financial plan ang kanilang liham sa DBM.

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Inamin ng dating OVP special disbursing officer na si Gina Acosta sa impeachment trial na wala siya sa mismong...
24/08/2026

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Inamin ng dating OVP special disbursing officer na si Gina Acosta sa impeachment trial na wala siya sa mismong lugar at hindi niya personal na nasaksihan ang sinasabing pag-abot ni Col. Raymund Lachica ng confidential funds sa mga taong nakapangalan sa acknowledgment receipts.

24/08/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£: 10 MANGGAGAWA, NASAGIP MATAPOS LUMUBOG ANG TUGBOAT SA ZAMBALES

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 manggagawa matapos tumaob at tuluyang lumubog ang MTUG SL Sual 1 sa karagatan ng Botolan, Zambales, nitong Lunes ng umaga, Agosto 24.

Tumalon sa dagat ang mga sakay bago sila ligtas na nailigtas. Lahat ay iniulat na nasa mabuting kalagayan.

May karga umanong 15,000 litro ng diesel ang tugboat, ngunit buo pa ang tangke nito. Patuloy ang pagbabantay ng PCG para sa posibleng oil spill.

Source: Philippine Coast Guard

π—₯π—˜π—–π—”π—£:  SEGURIDAD SA MGA PAARALAN SA PANTUKAN, PAIIGTINGINPaiigtingin ng lokal na pamahalaan ng Pantukan ang seguridad s...
24/08/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£: SEGURIDAD SA MGA PAARALAN SA PANTUKAN, PAIIGTINGIN

Paiigtingin ng lokal na pamahalaan ng Pantukan ang seguridad sa mga paaralan kasunod ng mga insidente ng pamamaril sa ibang lugar at kumakalat na online threats.

Ayon kay Mayor Oliver β€œKuya Noy” Ceniza, nakipag-ugnayan na siya sa kapulisan at mga barangay tanod upang bantayan ang mga paaralan, lalo na sa oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga estudyante.

Hinimok din niya ang komunidad na agad iulat ang anumang kahina-hinalang kilos at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.

Photo: Noy Ceniza – Kuya ng Bayan

𝗕π—₯π—˜π—”π—žπ—œπ—‘π—š: BISE ALKALDE NG MARANTAO, ARESTADO SA ILIGAN CITYInaresto sa Iligan City noong Agosto 21 si Marantao Vice Mayo...
24/08/2026

𝗕π—₯π—˜π—”π—žπ—œπ—‘π—š: BISE ALKALDE NG MARANTAO, ARESTADO SA ILIGAN CITY

Inaresto sa Iligan City noong Agosto 21 si Marantao Vice Mayor Ali Eskandar β€œBimmy” Alonto III.

Nahaharap siya sa kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng isang solo parent at frustrated murder ng isa pang babae sa Initao, Misamis Oriental. Walang inirekomendang piyansa sa kasong murder, habang β‚±200,000 naman ang piyansa sa frustrated murder.

Address

Misamis Oriental
Balingasag
9005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RECAP News Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share