
22/06/2025
AYAN NA! TATAK MARCOS! Grabe ang project na to! Basura noon, magiging kuryente na ngayon! Ibang klase talaga ang impluwensya ni BBM ngayon sa mga leader ng buong mundo. Japanese company mamumuhunan sa waste-to-energy project sa Maynila ito ang good news ni PBBM.
Naalala niyo, napapanood lang natin to dati? Kung papaano ang basura nila nagiging source ng supply ng kuryente. Astig nito!
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos: Masaya akong ibalita na katuwang natin ang Kanadevia Corporation ng Japan sa isang makasaysayang Waste-to-Energy project para sa Maynila.
Sa proyektong ito, libo-libong tonelada ng basura ang gagawing malinis na enerhiya at makatutulong ito na mabawasan ang pagbaha, magbigay ng trabaho, at linisin ang ating mga komunidad. ♻️🌏
Ang Kamadevia Corporation ay eksperto sa high tech environmental systems kabilang na ang mga modernong pasilidad kung saan ang mga basura ay ginagawang enerhiya at wastewater treatment.
Ang proyekto ay itatayo sa Smokey Mountain na tutugon sa problema para sa mas maayos na pagtatapon ng basura, lilikha ng power generation, magbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino at malinis na kapaligiran.
Magiging partner ng Japanese company ang Philippine Ecology Systems Corp. (PhilEco), na bihasa sa integrated solid waste management sa bansa.
Matatandaan na pinapatayo rin ang SOLAR POWER PLANT na may Battery Storage sa Neuva Ecija, at ito ay magiging pinakamalaki sa BUONG MUNDO.
Mukhang ginagaya ni PBBM ang kanyang ama na si Apo Lakay dahil sila lang naman dalawa ang nagpapatayo ngayon ng mga planta na mapagkukunan ng source ng kuryente.
Ginagawang moderno ni BBM ngayon ang ating bansa, at gusto niyang makasabay na ang Pilipinas kung papaano gumalaw ngayon ang mga mayayamang bansa.
So ano EXTEND BBM 2028 na ba tayo? This Nation Shall Be Great Again! ✌️❤️❤️😭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭