Mabel Pascual

Mabel Pascual Offcial page of Mabel Pascual.

.

Hello, New Year! 🎆Dalangin ko ang mas maayos na bukas para sa ating lahat ‎💗‎💗
31/12/2025

Hello, New Year! 🎆

Dalangin ko ang mas maayos na bukas para sa ating lahat ‎💗‎💗

‎‎Mapagpalang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion‎‎Mahal na Ina, salamat sa patuloy mong paglingap at sa mga biyayang du...
08/12/2025

‎‎Mapagpalang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion

‎Mahal na Ina, salamat sa patuloy mong paglingap at sa mga biyayang dumarating kahit tahimik lamang ang aming mga panalangin.

‎Itinataas namin sa iyo ang lahat, ang aming mga pamilya, ang mga pagod, ang may sakit, ang nag-aalala at ang naghahanap ng direksyon. Nawa'y madama nila ang kapayapaan at lakas mula sa iyo.

‎Hinihingi namin ang iyong gabay, ang iyong pagprotekta at ang iyong mahinahong pag-akay tungo sa kabutihan araw-araw upang mas tumibay ang aming pananampalataya at paglilingkod sa Diyos at kapwa.

‎Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo po kami.

Ngayong araw ni Bonifacio, inaalala natin ang tapang na hindi lamang nagsisimula sa ingay kundi sa paninindigan. Habang ...
30/11/2025

Ngayong araw ni Bonifacio, inaalala natin ang tapang na hindi lamang nagsisimula sa ingay kundi sa paninindigan. Habang patuloy ang korapsyon at pang-aabuso, ipinapaalala ng araw na ito na may obligasyon tayong ipaglaban ang katotohanan at karapatan ng bawat mamamayan.

Para sa bayan. Para sa katiyakan ng hustisya. Para sa kinabukasang hindi na kayang nakawin.

Narito ang mga emergency hotlines na maaari ninyong tawagan sakaling kailanganin ng agarang tulong ngayong kasagsagan ng...
09/11/2025

Narito ang mga emergency hotlines na maaari ninyong tawagan sakaling kailanganin ng agarang tulong ngayong kasagsagan ng bagyo.

Mahalagang manatiling ligtas at handa. Kung hindi kinakailangan, iwasan muna ang paglabas ng bahay. Siguraduhin ding fully charged ang inyong cellphone, may nakahandang flashlight, gamot, pagkain, at tubig.

Ibayong pag-iingat, Baliwagenyos!

Paggunita at pagdarasal para sa mga mahal sa buhay na nauna na sa atin 🤍Patuloy nating alalahanin ang kanilang pagmamaha...
01/11/2025

Paggunita at pagdarasal para sa mga mahal sa buhay na nauna na sa atin 🤍

Patuloy nating alalahanin ang kanilang pagmamahal at alaala. 🕊️🙏🏻

In life that is full of uncertainty isa lang ang lagi kong pinaniniwalaan at kinakapitan walang iba kundi ang ating Ama ...
26/08/2025

In life that is full of uncertainty isa lang ang lagi kong pinaniniwalaan at kinakapitan walang iba kundi ang ating Ama sa langit..🙏🏻 Maraming salamat po sa lahat dahil hindi niyo po ako pinapabayaan at lagi kang nakagabay sa akin🙏🏻 I know you have much bigger plans and blessings ahead of me and i am lifting everything to you Lord God😊🙏🏻

Sa aking pamilya, mga kaibigan, mga katrabaho at nakatrabaho, at higit sa lahat mga tumulong at sumuporta mula noong umpisa maraming maraming salamat po sa inyong lahat na ginawa ninyo akong kaparte at bahagi din ng inyong mga buhay.😊 Mula kahapon ay napakarami ninyo na pong bumati sa akin hindi ko matatawaran ang pagmamahal at pag alaala ninyo sa aking birthday sobrang natouch po ako sa inyong lahat at tandaan ninyo Mahal ko kayong lahat God bless us all🙏🏻

Happy Bday Mother Theresa🙏🏻😊
Thank you Lord +1

Magbigay-pugay at alalahanin natin ang ating mga Bayani, maging ang mga makabagong Bayani na patuloy na handang tumindig...
25/08/2025

Magbigay-pugay at alalahanin natin ang ating mga Bayani, maging ang mga makabagong Bayani na patuloy na handang tumindig para sa ating Inang Bayan. Mabuhay at taos-pusong pasasalamat sa kanilang sakripisyo at paglilingkod.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang katapangan upang tayo’y patuloy na magmahal at maglingkod sa ating bayan.

Isang maalab na pagbati po sa lahat ng ating mga kapatid na Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo.
27/07/2025

Isang maalab na pagbati po sa lahat ng ating mga kapatid na Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo.

Ingat po ang lahat🙏🏻
21/07/2025

Ingat po ang lahat🙏🏻

Ngayong araw ay pormal nang nagtatapos ang ating termino bilang City Councilor ng Baliwag.Taos-puso po ang ating pasasal...
30/06/2025

Ngayong araw ay pormal nang nagtatapos ang ating termino bilang City Councilor ng Baliwag.

Taos-puso po ang ating pasasalamat sa bawat Baliwagenyo na nagtiwala, sumuporta, at naging bahagi ng ating mga pangarap at adhikain para sa isang mas maayos at makataong pamahalaan.

Maraming salamat po sa pagkakataong maging boses ninyo sa loob ng Sangguniang Panlungsod. Pasasalamat din po sa lahat ng tumulong, sumuporta, at naging bahagi ng ating mga naipatupad na proyekto at programa sa loob ng anim na taon ng ating panunungkulan.

Ang karangalang ito ay mananatiling baon ko sa puso habang patuloy tayong humahanap ng paraan upang makapaglingkod, sa anumang kapasidad, sa anumang larangan, at sa kahit anong pagkakataon.

Hindi ito isang pamamaalam, kundi isang pahina ng bagong simula.

Maraming salamat, Baliwag. Patuloy ko po kayong Mamahalin at Paglilingkuran.

Maligayang Pagtatapos sa mga Senior High School ng Baliwag Polytechnic College! 🎓Sa bawat pahinang isinulat at pagsubok ...
19/06/2025

Maligayang Pagtatapos sa mga Senior High School ng Baliwag Polytechnic College! 🎓

Sa bawat pahinang isinulat at pagsubok na hinarap, narito kayo ngayon, patunay na ang sipag, tiyaga, at pangarap ay kayang magtagumpay.

Tandaan, hindi sukatan ng tagumpay ang bilis ng pag-abot sa pangarap, kundi ang tapang na ipagpatuloy ito kahit sa gitna ng pagod, takot, at pagdududa. Mabuhay kayo, mga Baliwagenyong nagsipagtapos! ☺

Address

Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mabel Pascual posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share