19/11/2025
Serenata ng Banda Buenaventura
Nobyembre 21, 2025 • Patio ng Dambana ng San Agustin • 6:00 ng gabi
Higit isang siglong tradisyon ng pagpaparangal kay Santa Cecilia, patrona ng musika. Sa temang “Sinag at Salinlahi – Liwanag at Tradisyon, Ipinapasa sa Bagong Henerasyon”, bawat himig at awit ay nagiging tulay na nag-uugnay sa mga nauna sa atin at sa kabataang magpapatuloy ng ating sining, musika, at debosyon. Sa bawat nota at melodiya, ang ating tradisyon ay nabubuhay, nagliliwanag. Ang musika, higit pa sa aliw, ay ilaw na ating gabay at inspirasyon upang mapagtibay ang ating pananampalataya at debosyon, at magbigay daan upang patuloy na mapagyabong ang pamanang sining at musika.