25/01/2026
AKSIDENTE SA DRT HI-WAY NGAYON
Deretso lahat sa ospital ang lahat ng sangkot sa aksidenteng ito matapos mabigyan ng paunang lunas ng CDRRMO ng Baliwag sa pagtutulungan ng Barangay Tarcan Rescue .
Nawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo na naging dahilan upang mabangga ang dalawa babaeng naglalakad kabilang na ang isang buntis.
Nangyari ang aksidente sa tapat Kambingan sa Barangay Tarcan, Lungsod ng Baliwag.
Ang insidente ay kasalukuyang iniimbestigahan ng Baliwag City Police .